51 Sangkatauhan at Diyos Magkabahagi sa Ligaya ng Pagkakaisa

Nasimulan na ng Diyos

gawain N’ya sa buong sansinukob.

Gumigising mga tao roo’t nililigid lahat ng gawa N’ya.

Pag “naglalakbay” ang Diyos sa loob nila,

sila’y nakakalaya sa gapos ni Satanas.

Magpakailanma’y malaya na sila

sa gapos ng matinding pighati.

Pag dumating ang araw ng Diyos, lahat ng tao’y masaya.

Lungkot sa puso nila ngayo’y nawawala kailanman.

Ulap ng lungkot nawawala,

malayang lumulutang sariwang hangin.

Tinatamasa ng Diyos ligaya ng pagsasama sa tao.

Pag pinuri ng lahat ng tao ang Diyos,

Siya’y dinadakila sa lahat ng bagay.

Langit ay nagiging matingkad na asul.

Mga bulaklak namumukadkad, mga damo’y mas luntian.

Lahat ng bagay sa lupa’y nagiging napakaganda.


Kilos ng tao’y nanamnam ng Diyos,

at kaya ‘di na naghihinanakit ang Diyos.

At, kasama ng pagdating ng araw ng Diyos,

mga bagay na may buhay sa lupa

nababawi ugat ng pag-iral,

muling nabubuhay lahat sa lupa,

Diyos tinatanggap bilang saligan ng pag-iral,

dahil pinangyayari N’yang lahat magliwanag ng buhay,

at gayon din, pinangyayari N’yang tahimik itong mawala.

Lahat ng bagay ay naghihintay

sa salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig.

At lahat ay nalulugod sa sinasabi at ginagawa Niya.

S’ya ang Kataas-taasan, ngunit S’ya’y

nabubuhay din kasama ng tao.

Gawa nila’y nagpapamalas ng paglikha

ng Diyos sa lupa’t langit sa taas.

Pag pinuri ng lahat ng tao ang Diyos,

Siya’y dinadakila sa lahat ng bagay.

Langit ay nagiging matingkad na asul.

Mga bulaklak namumukadkad, mga damo’y mas luntian.

Lahat ng bagay sa lupa’y nagiging napakaganda.


Sa tinig N’ya, tao’y paroo’t parito.

Puno ng kagalakan mga tao

sa Kanyang kaharian; buhay nila’y lumalago.

Gumagawa ang Diyos sa mga hinirang.

Di mababahiran gawain N’ya

ng pagkaunawa ng sangkatauhan.

Dahil ginagawa ng Diyos sariling gawain N’ya.

Pag ginagawa ng Diyos gawain N’ya,

lahat pinaninibago at nagbabago.

Pag tapos na ang gawain ng Diyos,

tao’y naipanunumbalik,

‘di na nababahala sa hiling ng Diyos.

Lupa’y pinagpala ng galak!

Pag pinuri ng lahat ng tao ang Diyos,

Siya’y dinadakila sa lahat ng bagay.

Langit ay nagiging matingkad na asul.

Mga bulaklak namumukadkad, mga damo’y mas luntian.

Lahat ng bagay sa lupa’y nagiging napakaganda.

Pag lupa’y puno ng galak, gagamitin ng Diyos oras na ‘to

para pagpalain buong sangkatauhan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 33

Sinundan: 50 Ngalan ng Makapangyarihang Diyos Sinasaksihan sa Lahat ng Bansa sa Mundo

Sumunod: 52 Purihin ang Diyos na Nagbalik Nang Matagumpay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito