228 Tumatagos sa Akin na Parang Espada ang Nakaraan

1 Kapag iniisip ko ang pananampalataya ko sa Panginoon dati, nagsisisi ako sa aking mga nakaraang pagkilos. Kinasusuklaman ko ang aking pagtanggi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at naiwan akong may walang katapusang panghihinayang. Noon, araw-araw kong pinangarap ang pagbabalik ng Panginoon, buong-puso akong nananabik na madala sa kaharian ng langit. Ngunit nang kumatok ang Panginoon sa pinto at dumating ang pagliligtas ng mga huling araw, tumanggi akong tanggapin ito. Dahil inisip kong ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, nilimitahan ko ang Diyos sa kung ano ang nakasulat doon. Nagmagaling ako, basta-basta na lang hinuhusgahan ang gawain ng Diyos nang walang intensiyong maghangad. Gumawa ako upang isara ang iglesia, pinipigilan ang mga mananampalataya na hangarin at siyasatin ang tunay na daan. Upang mapangalagaan ang aking pangalan at katayuan, pinanatili kong napipigilan ang mga mananampalataya ng aking sariling pag-unawa. Hindi ko inakala na maaari kong paglingkuran ang Diyos sa lahat ng mga taong ito para lang maging pasimuno sa paglaban sa Kanya. Ang mga kasalanan kong hindi mabubura ay walang-katapusang nagpapasakit sa akin.

2 Napakamapaghimagsik at palaban ko ngunit kinaawaan pa rin ako ng Diyos at sinubukan ang lahat para iligtas ako. Napakaraming ulit na Siyang kumatok sa aking puso gamit ang Kanyang mga salita bago nagsimulang lumambot ang puso ko. Tinanggap ko na ngayon ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at nakita ko na kung gaano ako naging hangal at bulag. Kailanman ay hindi lubusang mauunawaan ng sangkatauhan ang kasaganaan ng lahat ng kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Ang gawain ng Diyos ay hindi napipigilan ng anumang patakaran; ito ay palaging umuunlad. Ngunit nilimitahan ko ito sa kung ano ang nakasulat sa Biblia; napakamapagmataas ko. Napakaraming mga mananampalataya ang nawalan ng pagkakataong matamo ang kaligtasan dahil sa paghadlang ko. Bagaman naniwala ako sa Diyos, nakipagtunggalian talaga ako sa Kanya para sa Kanyang mga hinirang na tao. Talagang isa akong makabagong Fariseo. Dapat akong isumpa dahil sa aking mga kilos, ngunit binigyan pa rin ako ng Diyos ng pagkakataong magsisi. Ngayong nakikita ko na ang tunay na pagmamahal ng Diyos, pakiramdam ko lalo ay napakalaki ng pagkakautang ko sa Kanya. O Diyos, naniwala ako sa Iyo ngunit hindi Kita kilala, at nilabanan at hinusgahan Kita. Tunay akong kauri ni Satanas, hindi karapat-dapat sa awa at pagliligtas Mo. O Diyos, magsisisi ako at tatanggapin ang paghatol Mo. Hahanapin ko ang katotohanan gamit ang buong lakas ko, tutuparin ko ang aking tungkulin at susuklian ang pagmamahal Mo.

Sinundan: 227 Ang Pagkamit ng Katotohanan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Diyos ay Napakahalaga

Sumunod: 229 Ang Pagninilay-nilay sa Sarili ay Nagbubukas ng Daang Pasulong

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito