82 Nais Kong Hangaring Ibigin ang Diyos

Mula sa lahat ng katotohanang Iyong ipinahayag,

nakita kong ang Diyos ay pag-ibig.

Palaging Ikaw ang aking kaibig-ibig na minamahal,

lubos kong ninanais na mamuhay kasama Mo.

Palagi kong gustong pangalagaan ang Iyong kalooban,

at maging Iyong pinagkakatiwalaan.

Palagi kong gustong walang puwang sa ating pagitan,

at gusto kong sumandal sa Iyo.

Simula nang una kong narinig ang Iyong tinig,

hindi kita makakalimutan sa buhay na ito.

Ang Iyong tinig o, talagang napakaganda

at ang Iyong mga salita ay maharlika at makapangyarihan.

Katotohanan ang bawat salitang Iyong sinasabi,

at ang mga ito ang kailangan ko sa aking buhay.

Naakit ng Iyong mga salita ang puso ko,

isinuko ko na ang lahat upang sumunod sa Iyo.

Ang lahat ng Iyong sinasabi at ginagawa ay pag-ibig, lahat ay upang dalisayin at iligtas ako.

Ginagampanan ko ang aking tungkulin, nasisiyahan sa Iyong pag-ibig.

Hinahangad kong ibigin Ka, hindi kailanman nag-aatubili.

Talagang nararapat Ka sa pagmamahal ng tao,

ang Iyong pag-ibig ay napakalalim para maarok ng tao.

Palagi akong napakalapit na sumusunod sa likuran Mo,

para lamang magpatotoo sa Iyong pag-ibig, magpatotoo sa Iyong pag-ibig.


Naunawaan kong ang Iyong mga salita ay ang katotohanan,

nakita ko nang ang Iyong disposisyon ay napakarangal.

Ang Iyong banal na pag-ibig ay pumupukaw ng paghanga,

pinupuri Ka namin sa Iyong pagiging matuwid.

Puno ako ng katiwalian at nais kong mahalin Ka,

ngunit hindi ko kayang kontrolin ang aking sarili.

Sa pagpapasailalim sa paghatol, mga pagsubok, at pagpipino,

naunawaan ko na ang Iyong mabubuting layunin.

Ang lahat ng Iyong sinasabi at ginagawa ay pag-ibig, lahat ay upang dalisayin at iligtas ako.

Ginagampanan ko ang aking tungkulin, nasisiyahan sa Iyong pag-ibig.

Hinahangad kong ibigin Ka, hindi kailanman nag-aatubili.

Talagang nararapat Ka sa pagmamahal ng tao,

ang Iyong pag-ibig ay napakalalim para maarok ng tao.

Palagi akong napakalapit na sumusunod sa likuran Mo,

para lamang magpatotoo sa Iyong pag-ibig, magpatotoo sa Iyong pag-ibig.


Kapag ako ay nagdurusa, ang Iyong mga salita ang umaaliw sa akin;

kapag nabibigo ako at kapag nadadapa ako, tinutulungan Mo akong tumayo.

Tinutulungan Mo akong tumayo. Tinutulungan Mo akong tumayo.

Hindi Mo ako kailanman iniwan,

palagi Kang naroong nagmamalasakit at nangangalaga sa akin.

Tinutulungan Mo akong tumayo. Tinutulungan Mo akong tumayo. Tinutulungan Mo akong tumayo.

Ang lahat ng Iyong sinasabi at ginagawa ay pag-ibig, lahat ay upang dalisayin at iligtas ako.

Ginagampanan ko ang aking tungkulin, nasisiyahan sa Iyong pag-ibig.

Hinahangad kong ibigin Ka, hindi kailanman nag-aatubili.

Talagang nararapat Ka sa pagmamahal ng tao,

ang Iyong pag-ibig ay napakalalim para maarok ng tao.

Palagi akong napakalapit na sumusunod sa likuran Mo,

para lamang magpatotoo sa Iyong pag-ibig, magpatotoo sa Iyong pag-ibig.

Sinundan: 81 O Diyos! Hindi Ko Kayang Mawala Ka Sa Akin

Sumunod: 83 Ang Pag-ibig ng Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger