83 Ang Pag-ibig ng Diyos
Ⅰ
Sa karagatang ito ng mga tao,
sino ang nakakaalam na ang Diyos ay naging tao sa mga huling araw?
Lumalakad Siya sa mga iglesia, nagsasalita, ginagawa ang Kanyang gawain,
tahimik na ipinahahayag ang katotohanan.
Siya ay mapagpakumbaba at nakatago,
nagtitiis Siya ng matitinding kahihiyan.
O Diyos, Ikaw ay naging tao,
nagdurusa ng maraming paghihirap, lahat para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Bakit Ka itinatakwil, tinatanggihan ng tao?
O Diyos, ang Iyong katotohanan ang daan sa buhay na walang hanggan.
Ang Iyong mga salita ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Ang mga ito ay pagmamahal at mga pagpapala sa tao.
Sa pagsailalim sa paghatol at matinding pagdurusa, nalinis kami at namuhay tulad ng mga tunay na tao.
Ang paghatol ng Diyos ay kaligtasan at ito ang Kanyang pagpapala.
Karapat-dapat ang Diyos sa pag-ibig at walang hanggang papuri ng tao.
Salamat sa Iyong pag-ibig, salamat sa Iyong pag-ibig,
salamat sa Iyong pag-ibig, O Diyos.
Ⅱ
Sa karagatang ito ng mga tao,
tulad kami ng isang butil ng buhangin na walang nangangalaga sa amin.
Namuhay kami sa kasalanan at lubos na nagdusa,
nangangapa sa dilim na walang direksyon.
Ang Diyos ang umunawang mabuti sa amin,
at ang Diyos ang nag-angat sa amin.
Nagawa kaming tiwali ni Satanas sa kaibuturan,
nadungisan gaya ng dumi at basura.
Ngunit hindi kami pinabayaan ng Diyos,
sa halip hinahatulan, kinakastigo, at dinadalisay Niya kami,
ginigising ang aming manhid na mga puso
sa isang malalim na pag-unawa ng Kanyang pagiging kagiliw-giliw,
ng Kanyang pagiging kagiliw-giliw at pagiging kaibig-ibig.
Sa pagsailalim sa paghatol at matinding pagdurusa, nalinis kami at namuhay tulad ng mga tunay na tao.
Ang paghatol ng Diyos ay kaligtasan at ito ang Kanyang pagpapala.
Karapat-dapat ang Diyos sa pag-ibig at walang hanggang papuri ng tao.
Salamat sa Iyong pag-ibig, salamat sa Iyong pag-ibig,
salamat sa Iyong pag-ibig, O Diyos.
Ⅲ
Sa paghatol ng mga salita ng Diyos,
nakikita ko ang malalim na katiwalian ng sangkatauhan.
Itinatakwil nilang lahat ang pagdating ng tunay na Diyos.
Sila ay lumalaban sa Diyos at kinamumuhian ang katotohanan.
Ang salita ng Diyos ang tunay na liwanag, iniilawan ang madilim na mundo.
Nakita na namin ang liwanag ng buhay ng tao at ang pag-asa ng kaligtasan.