81 O Diyos! Hindi Ko Kayang Mawala Ka Sa Akin

1 Ang Iyong tinig ang gumagabay sa akin tungo sa Iyong presensya. Ang Iyong mga salita ang lumulupig sa aking puso. Ang Iyong mapagkandiling pagmamahal, ang Iyong mga salita ng buhay, ang mahigpit na humahawak sa aking puso, at sa akin ay nagpapaibig sa Iyo pagkatapos. Palagi Kang nasa aking mga iniisip. O, palagi Kang nasa aking mga iniisip.

2 Labis Kitang minahal dahil sa Iyong mga salita. Nagbibigay-inspirasyon sa pagmamahal ang Iyong kaibig-ibig na mukha. Humahatol, naglalantad, umaaliw at nagpapalakas ng loob ang Iyong mga salita; pinupukaw ng Iyong mababait na salita ang puso ng tao. Pinalalasap sa akin ng pagtatabas at pagwawasto, pati na ng kaliwanagan, ang Iyong pagmamahal. Pinupuno ng Iyong pagmamahal ang aking puso. O, hindi ko kayang mawala Ka sa akin.

3 Matuwid, banal at lubhang kaibig-ibig ang Iyong disposisyon. Kabigha-bighani ang Iyong karunungan at pagiging kamangha-mangha. Bagamat sinusubok ako ngayon, at dinadalisay ng pighati ang aking puso, Lagi kong kasama ang Iyong mga salita. Nais ko lamang mahalin Ka sa abot ng aking makakaya. Sa gitna ng Iyong mga pagsasaayos, wala akong mga hinaing. O, sa gitna ng Iyong mga pagsasaayos, wala akong mga hinaing.

4 Tunay na tunay, totoong-totoo ang Iyong pagmamahal para sa sangkatauhan. Nagagalak akong gawin ang buo kong makakaya upang mabigyan Ka ng kaluguran. Bagamat matitindi ang mga pagsubok at pagdadalisay, mayroon akong patnubay ng Iyong mga salita. Buong-buo ang aking pananampalataya sa Iyo. Hangga’t kaya kong mahalin Ka at magpatotoo sa Iyo, handa akong dumaan sa anumang hirap, gaano man ito katindi. O, ang pagmamahal ko para sa Iyo ay hindi kailanman magbabago.

Sinundan: 80 Pagsusukli sa Pag-ibig ng Diyos at Pagiging Kanyang Saksi

Sumunod: 82 Nais Kong Hangaring Ibigin ang Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger