703 Ang Pagbago sa Disposisyon Mo ay Nagsisimula sa Pag-unawa sa Iyong Kalikasan
1 Ang pagbabago ng disposisyon mo ay nagsisimulasa pamamagitan ng pag-unawa sa sarili mong kalikasan. Ito ay susi. Kung gayon, paano mo mauunawaan ito? Ang talagang ibig sabihin ng maunawaan ang kalikasan mo ay ang paghimay ng kailaliman ng kaluluwa mo; may kinalaman dito kung ano ang nasa buhay mo. Ang lohika at mga pananaw ni Satanas ang ipinamumuhay mo noon pa man; ang ibig sabihin, ang buhay ni Satanas ang ipinamumuhay mo. Mauunawaan mo lamang ang kalikasan mo kung ilalantad mo ang nasa kaibuturan ng iyong kaluluwa. Halimbawa, ang mga pananaw ng mga tao sa mga bagay-bagay, ang mga pamamaraan at mga mithiin ng mga tao sa buhay, ang mga pinahahalagahan ng mga tao sa buhay at mga pananaw sa buhay, pati na rin ang mga pananaw nila tungkol sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa katotohanan. Lahat ng ito ay umiiral sa kaibuturan ng kaluluwa ng mga tao at may direktang kaugnayan ang mga ito sa pagbabago ng disposisyon.
2 Ang pananaw sa buhay ng tiwaling sangkatauhan ay ito: “Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang sarili, para sa kanilang laman. Walang anumang halaga sa pamumuhay nang ganito, at lalong wala itong anumang kabuluhan. Ang pananaw sa buhay ng isang tao ay tungkol sa kung saan ka umaasa para mabuhay sa mundo, para saan ka nabubuhay, at paano ka namumuhay—at ang mga ito ay lahat ng bagay na dapat gawing may pinakadiwa ng likas na pagkatao ng tao. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa likas na pagkatao ng mga tao, makikita mo na lahat ng tao ay nilalabanan ang Diyos. Mga diyablo silang lahat at wala talagang mabuting tao. Sa pamamagitan lamang ng pagsusuri sa likas na pagkatao ng mga tao mo malalaman ang diwa at katiwalian ng tao at mauunawaan kung saan talaga nabibilang ang mga tao, ano talaga ang kulang sa mga tao, at paano nila dapat habulin ang katotohanan upang isabuhay ang wangis ng tao. Ito ang katotohanang dapat mong maunawaan.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao