463 Hindi Nagbago ang mga Inaasahan ng Diyos para sa Sangkatauhan

1 Sa paghahandog ni Abraham kay Isaac, nakita ng Diyos ang katapatan at pagkamasunurin ni Abraham, at nakita Niyang napagtagumpayan ni Abraham ang pagsubok ng Diyos sa kanya. Kahit pa tinanggap ng Diyos ang kanyang katapatan at pagkamasunurin, hindi pa rin siya karapat-dapat na pagkatiwalaan ng Diyos, at maging isang nilalang na kilala ang Diyos at naunawaan ang Diyos, at magkaroon ng kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos. Malayo siya sa pagiging kaisa sa isipan ng Diyos at sa paggawa ng Kanyang kalooban. Dahil dito, sa Kanyang puso, ang Diyos ay malungkot at nababahala pa rin. Habang mas nalulungkot at nababahala ang Diyos, mas kinailangan Niyang ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala sa lalong madaling panahon, at makapili at magkamit ng isang grupo ng mga tao, upang matupad ang Kanyang planong pamamahala at makamit ang Kanyang kalooban sa lalong madaling panahon. Ito ang masugid na pagnanais ng Diyos, at nanatili itong hindi nagbabago mula sa pinakasimula hanggang ngayon.

2 Magmula pa nang likhain Niya ang tao sa simula, nananabik na ang Diyos sa isang grupo ng mga mananagumpay, isang grupo na kasabay Niyang lalakad, na nauunawaan, naiintindihan at nalalaman ang Kanyang disposisyon. Ang pagnanais na ito ng Diyos ay hindi kailanman nagbago. Gaano man Siya katagal na maghintay, gaano man kahirap ang daan sa hinaharap, gaano man kalayo ang mga layuning Kanyang kinasasabikan, hindi kailanman binago o isinuko ng Diyos ang Kanyang mga inaasahan sa tao.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Sinundan: 462 Gustung-gusto ng Diyos ang mga Taong Kayang Isagawa ang Kanyang Kalooban

Sumunod: 464 Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya’t Pag-ibig ng Tao para sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito