701 Ano ang mga Pagbabago sa Disposisyon?

1 Pagdating sa pag-alam sa kalikasan ng tao, ang pinakamahalaga ay makita ito mula sa pananaw ng pagtingin ng tao sa mundo, pagtingin sa buhay, at mga pinahahalagahan. Ang mga pilosopiya ng tao sa pamumuhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay pawang kay Satanas. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kalikasan ng tao ay tiwali, masama, at radikal, puno ng at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya ni Satanas—ito, sa kabuuan nito, ay isang likas na pagkatao na nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at sinasalungat ng mga tao ang Diyos. Kung nais mong hangarin ang pagbabago sa iyong disposisyon, dapat mo munang alamin ang iyong kalikasan.

2 Ang pagbabago sa disposisyon aynangyayari kapag ang isang mangingibig ng katotohanan, habang dinaranas ang gawain ng Diyos, ay tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita at sumasailalim sa lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino. Ang gayong tao ay nililinis mula sa mala-satanas na mga lason sa loob niya, kaya nakakapagpasakop siya sa lahat ng mga plano at pagsasaayos ng Diyos, upang hindi na kailanman muling maghimagsik laban sa Kanya o labanan Siya. Ito ay isang pagbabago sa disposisyon. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagka’t iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakakarating sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin na lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang tao ay napakalalim ang pagkakatiwali, nakikilala niya ang kahangalan at pagiging-mapanlinlang ng tao, nakikilala niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at sa wakas ay nauunawaan ang kalikasang diwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, nagkakaroon siya ng kakayahang tanggihan at talikuran ang kanyang sarili nang ganap, makapamuhay ayon sa salita ng Diyos, at maisagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Ito ay isa na nakakakilala sa Diyos; ito ay isa na nabago na ang disposisyon.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Sinundan: 700 Ang mga Pagbabago sa Disposisyon ay Pangunahing mga Pagbabago sa Kalikasan

Sumunod: 702 Kinakailangan ng mga Pagbabago sa Disposisyon ang Gawain ng Banal na Espiritu

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito