354 Walang Gustong Umunawa sa Diyos
Ⅰ
Kapag balisa ang Diyos,
hinaharap Niya ang sangkatauhan
na hindi pumapansin sa Kanya,
na sumusunod sa Kanya, nagsasabing mahal S’ya,
ngunit di pumapansin sa nadarama Niya.
Paanong Kanyang puso’y di masasaktan?
Kahit ang mga nagnanais maging
kapalagayang-loob ng Diyos,
ayaw nilang mapalapit sa Kanya, makilala Siya
o maging mapagsaalang-alang sa Kanyang puso.
Malungkot ang Diyos!
Di lang dahil lumalaban sa Diyos
ang tiwaling sangkatauhan,
kundi ‘yong mga naghahanap maging espirituwal,
‘yong mga naghahanap makilala ang Diyos,
maging ‘yong gustong maglaan ng buhay nila sa Diyos
ay ‘di alam mga iniisip N’ya.
Di nila alam ang Kanyang
disposisyon o Kanyang damdamin.
Oh, malungkot ang Diyos, malungkot ang Diyos.
Ⅱ
Sa gawaing pamamahala ng Diyos,
kahit na Siya’y tapat na gumagawa at nangungusap,
at hinaharap ang tao nang walang pasubali,
mga tagasunod N’ya’y sarado sa Kanya.
Walang sinumang gustong mapalapit,
unawain ang Kanyang puso o Kanyang damdamin.
Kahit ang mga nagnanais maging
kapalagayang-loob ng Diyos,
ayaw nilang mapalapit sa Kanya, makilala Siya
o mapagsaalang-alang sa Kanyang puso.
Malungkot ang Diyos!
Di lang dahil lumalaban sa Diyos
ang tiwaling sangkatauhan,
kundi ‘yong mga naghahanap maging espirituwal,
‘yong mga naghahanap makilala ang Diyos,
maging ‘yong gustong maglaan ng buhay nila sa Diyos
ay ‘di alam mga iniisip N’ya.
Di nila alam ang Kanyang
disposisyon o Kanyang damdamin.
Oh, malungkot ang Diyos, malungkot ang Diyos.
Ⅲ
Pag nagagalak, Diyos walang kabahagi sa ligaya N’ya.
‘Pag di maunawaan, puso N’ya’y walang kaaliwan.
Kapag Kanyang puso’y nasasaktan,
walang handang makinig sa sasabihin N’ya.
Sa libu-libong taon ng gawain ng pamamahala,
walang nakauunawa sa damdamin ng Diyos,
walang nagpapahalaga o tumatayo sa tabi N’ya
upang makibahagi sa lungkot N’ya’t galak.
Kahit ang mga nagnanais maging
kapalagayang-loob ng Diyos,
ayaw nilang mapalapit sa Kanya, makilala Siya
o maging mapagsaalang-alang sa Kanyang puso.
Malungkot ang Diyos!
Di lang dahil lumalaban sa Diyos
ang tiwaling sangkatauhan,
kundi ‘yong mga naghahanap maging espirituwal,
‘yong mga naghahanap makilala ang Diyos,
maging ‘yong gustong maglaan ng buhay nila sa Diyos
ay ‘di alam mga iniisip N’ya.
Di nila alam ang Kanyang
disposisyon o Kanyang damdamin.
Oh, malungkot ang Diyos, malungkot ang Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I