424 Ang Tumitingin at Umaasa sa Diyos ay ang Pinakadakilang Karunungan

1 Gaano man kalaking katotohanan ang nauunawaan ng isang tao, gaano man karami ang mga tungkuling kanyang nagampanan, gaano man katindi ang dinanas ng isang tao habang ginagampanan ang mga tungkuling iyon, gaano man kataas o kababa ang katayuan ng isang tao, o ano man ang uri ng kaligirang kanyang kinapapalooban, ang isang hindi dapat mawala sa kanya ay ang tumingala sa Diyos at umasa sa Kanya sa lahat ng kanyang gagawin. Ito ang pinakadakilang uri ng karunungan. Kahit pa naunawaan ng isang tao ang maraming katotohanan, sapat na ba ito kung hindi siya aasa sa Diyos? May mga tao na makaraang maniwala sa Diyos nang may katagalan ay nakauunawa na ng ilang katotohanan at nakaranas na ng ilang pagsubok. Maaaring may natamo na silang kaunting praktikal na karanasan, ngunit hindi nila nauunawaan kung paano tumingala at manalig sa Diyos. Nagtataglay ba ng karunungan ang ganoong mga tao? Sila ang pinakahangal sa lahat ng tao, at ang uri na ang palagay sa sarili ay napakatalino nila; hindi sila natatakot sa Diyos at hindi iwinawaksi ang masama.

2 Ang pagsasalita tungkol sa maraming espirituwal na doktrina ay hindi katumbas ng pagkaunawa sa katotohanan, at lalong hindi ito nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa bawat sitwasyon. Kaya’t may napakahalagang aral na matututuhan dito: Iyon ay ang pangangailangan ng mga tao na tumingala sa Diyos sa lahat ng bagay, at sa pagsasagawa nito, makakamtan nila ang pag-asa sa Diyos. Tanging sa pag-asa sa Diyos magkakaroon ang mga tao ng landas na susundan. May malubhang problema rito, iyan ay ang mga tao na nagsasagawa ng maraming bagay na umaasa lang sa kanilang karanasan at sa mga tuntunin na naunawaan nila, at sa ilang paglalarawan sa isip ng tao. Kung kaya’t nagiging labis na mahirap tumingala sa Diyos at manalig sa Kanya, at madaling sundin and sariling mga kagustuhan ng tao. Bagama’t maaaring hindi gumagawa ng masama ang gayong mga tao, hindi pa rin nalulugod ang Diyos. Samakatuwid, ang pinakadakilang karunungan ay ang tumingala sa Diyos at manalig sa Kanya sa lahat ng bagay.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pananalig sa Diyos ay Dapat Magsimula sa Pagkakilatis sa Masasamang Kalakaran ng Mundo

Sinundan: 423 Walang Tunay na Serbisyo Kung Walang Tunay na Panalangin

Sumunod: 425 Mga Tahimik Lamang sa Harap ng Diyos ang Nagtutuon sa Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito