855 Tanging ang Lumikha ang May Paggiliw sa Sangkatauhang Ito
I
Alang-alang sa tao,
ang Lumikha'y nagmamadali,
buhay Niya'y tahimik na iniaalay, bawat minuto.
Nang walang pag-iisip para sa sarili,
pinahahalagahan Niya ang tao,
binibigay ang lahat Niya sa mga nilikha Niya.
Ang Lumikha lang ang may paggiliw sa tao
at walang patid na pagmamahal sa kanya.
Siya lang ang makapagkakaloob ng awa sa tao
at nagpapahalaga sa Kanyang buong sangnilikha.
II
Libreng iginagawad Niya ang Kanyang awa,
upang makitang buhay ang tao,
makamit ang buhay na bigay Niya.
Ginagawa Niya 'to upang balang araw
magpasakop ang tao sa Kanya,
makitang Siya ang nagtutustos
at nagbibigay-buhay sa tao.
Ang Lumikha lang ang may paggiliw sa tao
at walang patid na pagmamahal sa kanya.
Siya lang ang makapagkakaloob ng awa sa tao
at nagpapahalaga sa Kanyang buong sangnilikha.
III
Puso Niya'y hinahatak parito't paroon
ng mga kilos ng tao.
Siya'y galit at nagdadalamhati
sa katiwalian ng tao.
Siya'y masaya't mapagpatawad
sa pananalig at pagsisisi ng tao.
Lahat ng kaisipan Niya'y
umiikot sa sangkatauhan.
Kung ano Siya't ano'ng mayro'n Siya'y
ipinahahayag para sa tao,
at lahat ng damdamin Niya'y nakaugnay sa tao.
Ang Lumikha lang ang may paggiliw sa tao
at walang patid na pagmamahal sa kanya.
Siya lang ang makapagkakaloob ng awa sa tao
at nagpapahalaga sa Kanyang buong sangnilikha,
at nagpapahalaga sa Kanyang
buong sangnilikha, sangnilikha.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II