423 Walang Tunay na Serbisyo Kung Walang Tunay na Panalangin

Ang panalangin ay ‘di seremonyal,

marami itong kahulugan.

Maaari ‘tong makita sa panalangin ng mga tao,

Diyos ang kanilang direktang pinaglilingkuran.

Kung seremonya ang tingin mo sa panalangin,

kung gayon hindi mo mapaglilingkuran

nang mahusay ang Diyos.

Kung walang panalangin,

hindi ka makakapagtrabaho.

Panalangin ang nagdadala ng serbisyo, ng trabaho.

Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos,

ngunit kailanma’y ‘di ka naging seryoso,

walang debosyon ‘pag nagdarasal,

mabibigo kang paglingkuran Siya

sa ganitong paraan.


Maa’ring sabihin na kung panalangin mo’y

hindi taimtim o tunay,

‘di ka ibibilang ng Diyos, hindi papansinin.

Banal na Espiritu’y hindi kikilos sa iyo.

Kung walang panalangin,

hindi ka makakapagtrabaho.

Panalangin ang nagdadala ng serbisyo, ng trabaho.

Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos,

ngunit kailanma’y ‘di ka naging seryoso,

walang debosyon ‘pag nagdarasal,

mabibigo kang paglingkuran Siya

sa ganitong paraan.


Kung madalas kang lumapit sa Diyos at manalangin,

pinatutunayan nitong ang Diyos

ay Diyos para sa iyo.

Kung mag-isa kang magtrabaho’t ‘di nananalangin,

at ginagawa ito at iyon sa likod Niya,

ginagawa ang sarili mong gusto,

hindi ka naglilingkod sa Diyos,

ginagawa mo ang sarili mong gawain.

Sa tingin mo ba hindi ka hinatulan?


Mukhang hindi mo nalapastangan ang Diyos,

hindi nanggulo, ngunit ang paggawa mo

sa sariling gawain ay pag-abala.

Sa diwa ay nilalabanan mo ang Diyos.

Kung walang panalangin,

hindi ka makakapagtrabaho.

Panalangin ang nagdadala ng serbisyo, ng trabaho.

Kung ikaw ay isang taong naglilingkod sa Diyos,

ngunit kailanma’y ‘di ka naging seryoso,

walang debosyon ‘pag nagdarasal,

mabibigo kang paglingkuran Siya

sa ganitong paraan.


Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan ng Panalangin at Pagsasagawa Nito

Sinundan: 422 Ang mga Panalanging Nagpapasakop at Makatuwiran ay Napakahalaga

Sumunod: 424 Ang Tumitingin at Umaasa sa Diyos ay ang Pinakadakilang Karunungan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito