425 Mga Tahimik Lamang sa Harap ng Diyos ang Nagtutuon sa Buhay

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong nakakalaya sa mga

makamundong relasyon,

at maaaring magpasakop sa Diyos.

Sinumang di kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay mapagpalayaw at di mapigilan.

Oh, at lubos silang mapagpalayaw sa sarili.

Lahat ng kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay mga debotong nananabik sa Diyos.

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong may malasakit sa buhay

at nakikibahagi sa espiritu.

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong nauuhaw sa mga salita ng Diyos.

Sila ang naghahanap sa katotohanan.


Yaong balewala ang pagtahimik sa harap ng Diyos,

na ‘di ito ‘sinasagawa, sila’y mabababaw

na lubos na nakakabit sa mundo.

Wala silang buhay, wala silang buhay.

Kahit sabihin nilang nananalig

sila sa Diyos, ‘di ‘yon totoo,

hungkag na mga salitang madaling bigkasin.

Yaong kayang tumahimik,

ginagawang perpekto at ganap ng Diyos.

Binibiyayaan sila ng kahanga-hangang mga pagpapala.

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong may malasakit sa buhay

at nakikibahagi sa espiritu.

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong nauuhaw sa mga salita ng Diyos.

Sila ang naghahanap sa katotohanan.


Yaong bihirang magbasa ng mga salita ng Diyos,

na walang malasakit sa pagpasok sa buhay

kundi nakatuon sa mga gawain,

ay mga ipokritong walang kinabukasan.

Bayan ng Diyos ay yaong talagang kayang makipagniig

sa Kanya at tumahimik sa harap Niya.

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong may malasakit sa buhay

at nakikibahagi sa espiritu.

Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos

ay yaong nauuhaw sa mga salita ng Diyos.

Sila ang naghahanap sa katotohanan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagpapatahimik sa Puso Mo sa Harap ng Diyos

Sinundan: 424 Ang Tumitingin at Umaasa sa Diyos ay ang Pinakadakilang Karunungan

Sumunod: 426 Dapat Mong Tiyakin na Patahimikin ang Puso Mo sa Harap ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito