33 Purihin ang Tagumpay ng Makapangyarihang Diyos

Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Hayaang magmula sa bawat puso ang himig ng awit.

Purihin ang pagkakatawang-tao ng Diyos dito sa mundo,

na naghahayag ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao.

Naririnig natin ang Kanyang tinig at nakikita ang Kanyang pagpapakita.

Puspos ng galak ang puso, nagbabalik tayo sa tahanan ng Diyos.

Kinakain at iniinom natin ang mga salita ng Diyos, tinatamasa ang gawain ng Espiritu.

Nauunawaan natin ang katotohanan at puso nati’y malaya.

Mga salita ng Diyos: ang tanging katotohanan, ang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

Tayo’y nagagalak sa bagong buhay nang harapan sa Diyos.

Nagbubunyi ang Sion, sapagkat dumating na sa lupa ang kaharian ng Diyos.

Pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos dahil sa Kanyang tagumpay,

sa Kanyang tagumpay, sa Kanyang tagumpay.


Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Hayaang awitin ng himig ng awit ang pagmamahal natin sa Kanya.

Purihin ang Kanyang matuwid na paghatol na naglilinis at nagliligtas sa atin.

Sa pagtanggap sa Kanyang salita ng paghatol, tayo’y nagiging mga bagong tao.

Nagdaranas tayo ng mga pagpipino at mga pagsubok,

ngunit ang ating mga tiwaling disposisyon ay nagbago na.

Isinasabuhay natin ang katotohanan at namumuhay tayo sa liwanag.

Ligtas at malaya, mahal natin nang tapat ang Diyos.

Lahat ng tao’y sumusunod sa Diyos, sama-sama Siyang pinupuri,

sapagkat kilala natin ang Makapangyarihang Diyos, at may takot sa Diyos ang ating puso,

naitakwil natin si Satanas at natamo ang pagliligtas ng Diyos.

Pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos sa Kanyang tagumpay,

sa Kanyang tagumpay, sa Kanyang tagumpay.


Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Hayaang yanigin ng himig ng awit ang buong mundo.

Purihin ang mga salita ng Diyos na nagpapakita ng Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat,

na gumagapi kay Satanas at lumilikha ng isang grupo ng mga mananagumpay,

na nakakalat sa lahat ng bansa at lupain.

Lumalabas ang matuwid na kaharian ni Cristo.

Ang mga salita ng Diyos ang may kapangyarihan sa lupa.

Lahat ng bansa, lahat ng tao ay sama-samang sumasamba sa Diyos.

Tinatamasa ng buong bayan ng Diyos ang mga biyaya ng langit sa lupa.

Nagagalak ang lahat ng bagay, sapagkat ang dakilang gawain ng Diyos ay nagawa na.

Napakaningning ng Kanyang kaluwalhatian sa buong kalangitan.

Kaya nga ang langit at lupa ay mukhang bagung-bago.

Pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos sa Kanyang tagumpay, sa Kanyang tagumpay.

Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Magalak ang lahat ng bagay, bumalik na ang Diyos nang matagumpay.

Umawit ng awit ng papuri para sa Makapangyarihang Diyos.

Magalak ang lahat ng bagay, bumalik na ang Diyos nang matagumpay.

Sinundan: 32 Sinasamba Ka Namin, Makapangyarihang Diyos na Nagkatawang-Tao

Sumunod: 34 Sumayaw sa Paligid ng Trono

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito