610 Tularan ang Panginoong Jesus

Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,

ang pagtubos sa lahat ng tao

sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,

nang walang pansariling layunin o plano.

Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.

Sa Ama sa langit, S’ya’y nanalangin,

hinahanap ang kalooban Niya.

S’ya’y naghahanap at laging nananalangin.

Kung tulad ni Jesus isusuko n’yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n’yo ang laman,

pagtitiwalaan N’ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n’yo S’ya.


Nanalangin S’ya’t ang sabi, “Diyos Ama!

Maganap ang kalooban Mo.

Wag kumilos ayon sa mga layon Ko,

kumilos para matupad ang plano Mo.

Bakit Ka magmamalasakit sa taong mahina,

na parang langgam sa Iyong kamay?

Nais Ko lang gawin ang kalooban Mo.

Gawin Mo Sa’kin ang nais Mo.”

Kung tulad ni Jesus isusuko n’yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n’yo ang laman,

pagtitiwalaan N’ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n’yo Siya.


Sa daan patungong Jerusalem,

puso ni Jesus namighati.

Pero salita Niya’y tinupad, humayo

kung saan sa krus Siya’y ipapako.

Sa wakas Siya sa krus ay ipinako,

naging larawan ng makasalanang laman,

tinapos ang gawain ng pagtubos,

nangibabaw sa tanikala ng kamatayan.

Kung tulad ni Jesus isusuko n’yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n’yo ang laman,

pagtitiwalaan N’ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n’yo Siya.


Nabuhay si Jesus nang tatlumpu’t tatlong taon,

lahat ginawa para masiyahan ang Diyos,

hindi inisip ang matatamo o mawawala

kundi ang kalooban ng Diyos Ama.

Ang paglilingkod ng Panginoong Jesus

ay laging ayon sa kalooban ng Diyos.

Kaya ang gawain ng pagtubos

karapat-dapat N’yang gampanan.

Walang-hangganang pagdurusa’y tiniis N’ya,

maraming beses Siyang tinukso ni Satanas.

Nguni’t kailanma’y hindi S’ya nanghina.

Sa tiwala’t pag-ibig, atas ito ng Diyos sa Kanya.

Kung tulad ni Jesus isusuko n’yo ang lahat sa Diyos

at tatalikuran n’yo ang laman,

pagtitiwalaan N’ya kayo ng mga tungkulin

para mapaglingkuran n’yo Siya.

At sa ganitong mga pagkakataon lamang

masasabi n’yong ginagawa n’yo ang kalooban N’ya,

ginagawa n’yo ang mga utos N’ya,

na tunay kayong naglilingkod sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Sinundan: 609 Tanging mga Kapalagayang-loob ng Diyos ang Karapat-dapat sa Paglilingkod sa Kanya

Sumunod: 611 Upang Paglingkuran ang Diyos Dapat Mong Ibigay sa Kanya ang Iyong Puso

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito