32 Sinasamba Ka Namin, Makapangyarihang Diyos na Nagkatawang-Tao

1 Nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan, at upang hatulan at dalisayin ang tao. Katulad ng isang matalim na espada, ang Kanyang mga salita ay tumagos sa ating mga puso at espiritu, ipinapakita sa atin ang katotohanan ng malalim na katiwalian ng tao na gawa ni Satanas. Likas tayong mapagmataas, palalo, tuso, mapanlinlang, makasarili, at sakim. Ang ating konsiyensiya, pakiramdam at dignidad ay nawala. Wala tayong anumang pagkakahawig sa tao. Yumuyukod tayo sa lupa, puno ng pagsisisi, at nangungumpisal tayo at nagsisisi sa Diyos. Makapangyarihang Diyos, ang Iyong mga salita ay nilulupig at dinadalisay kami. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan, iwinawaksi natin ang ating mga satanikong disposisyon. Salamat sa Iyong pag-ibig! Iniligtas Mo kami mula sa impluwensiya ni Satanas. Sinasamba Ka namin!

2 Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagdusa nang labis na kahihiyan upang iligtas ang tao. Tahimik Niyang tiniis ang labis na pag-uusig at paghihirap, labis na pagtanggi at paninirang-puri. Tago at mapagpakumbaba, Siya mismo ang nagdidilig, tumutustos at nangunguna sa Kanyang mga tao. Labis na pag-aalala at pagkabahala ang pinagdusahan Niya para sa ating paglago sa buhay. Matiyaga Niyang tinitiis ang ating paghihimagsik, at ginagawa ang lahat upang mailigtas tayo. Nag-ugat na sa ating mga puso ang pag-ibig at matuwid na disposisyon ng Diyos. Makapangyarihang Diyos, ang pagiging tago at pagpapakumbaba Mo ay napakakaibig-ibig! Ang Iyong mga salita ay naging aming buhay, salamat sa Iyong pag-ibig! Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, pinupuri at sinasamba Ka namin!

3 Ang pagiging makapangyarihan sa lahat at ang karunungan ng Diyos ay nangingibabaw sa kalangitan at hindi maarok ng lahat. Ginagamit Niya ang malaking pulang dragon bilang hambingan upang paglingkuran ang Kanyang paggawang perpekto ng Kanyang mga tao. Pagkatapos nating makaranas ng paghihirap, pag-uusig, at sakit, napagmamasdan natin ang tunay na mukha ng hari ng demonyo. Nasusuklam tayo sa mala-demonyong CCP, at magiging tapat tayo sa Diyos hanggang kamatayan at magpapatotoo sa Kanya. Sa masamang kapanahunan na ito, nakatitiyak tayong si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sumusunod tayo sa mga yapak ng Cordero at magpapatotoo sa matuwid at banal na disposisyon ng Diyos magpakailanman. Makapangyarihang Diyos, ang gawain Mo ay marunong, makapangyarihan, at napakakamangha-mangha. Gumawa Ka ng isang grupo ng mga mananagumpay, natalo Mo na si Satanas at nakamit ang kaluwalhatian. Ikaw ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at pupurihin Ka namin magpakailanman!

Sinundan: 31 Ang Lahat ng Tao ng Diyos ay Pinupuri Siya Nang Lubos

Sumunod: 33 Purihin ang Tagumpay ng Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito