758 Mapalad ang mga Nagmamahal sa Diyos
I
Kung mahal mo’ng Diyos, makakapagpatotoo ka;
saka ka lang maaaring maging saksi Niya;
saka ka lang pagpapalain ng Diyos
at tatanggap ng Kanyang mga pangako.
Ang mga matalik sa Diyos ay yaong mahal Siya,
mahal Niya sila; nagsasalo sila sa mga biyaya.
Mga taong ‘to lang
ang mabubuhay magpakailanman
sa ilalim ng pangangalaga’t proteksyon Niya.
Ang nagmamahal sa Diyos ay makakagala
nang malaya sa buong mundo;
yaong nagpapatotoo sa Diyos ay
makalalakbay sa sansinukob.
Mahal at pinagpapala ng Diyos
ang mga taong ito,
at mamumuhay sila sa liwanag Niya
magpakailanman.
II
Ang tunay na nagmamahal sa Diyos
ay tapat sa gawain ng Diyos
at nagpapatotoo sa Kanya.
Makakalakbay sila sa lupa
nang walang tumututol,
makakapamahala sa lupa
pati sa mga tao ng Diyos.
Ang nagmamahal sa Diyos ay makakagala
nang malaya sa buong mundo;
yaong nagpapatotoo sa Diyos ay
makalalakbay sa sansinukob.
Mahal at pinagpapala ng Diyos
ang mga taong ito,
at mamumuhay sila sa liwanag Niya
magpakailanman.
III
Sa buong mundo, nagkakaisa sila.
Iba’t iba ang wika’t
kulay ng balat ng mga taong ito,
ngunit pag-iral nila’y pareho’ng kahulugan.
Lahat sila’y nagmamahal sa Diyos,
nagbibigay ng parehong patotoo sa Diyos
at may parehong kapasyaha’t nais.
Ang nagmamahal sa Diyos ay makakagala
nang malaya sa buong mundo;
yaong nagpapatotoo sa Diyos ay
makalalakbay sa sansinukob.
Mahal at pinagpapala ng Diyos
ang mga taong ito,
at mamumuhay sila sa liwanag Niya
magpakailanman.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag