Tanong 2: Sabi mo, hindi katotohanan ang mga salita ni Pablo. Kung gayo’y ba’t nasa Biblia ang kanyang mga salita? Nasusulat sa Biblia ang mga salita ni Pablo. Kung gayon, binigyang-inspirasyon ito ng Diyos; kumakatawan ito sa mga salita ng Diyos. Dapat natin silang sundin!
Sagot: Kahit komo nasusulat ang mga salita ni Pablo sa Biblia, mga salita na ito ng Diyos. Ito’y dahil ang Biblia ay isinulat ng tao; hindi ito isinulat ng Diyos na si Jehova, hindi ng Panginoong Jesus, at siguradong hindi ng Banal na Espiritu. Puwede bang walang mali ang isang bagay na isinulat ng mga tao? Ang mga salita ni Jehova sa Biblia, ang mga salitang itinuro ni Jehova sa mga propeta, at ang mga salita ng Panginoong Jesus, mga salita ’yon ng Diyos. Hindi pinatotohanan ng Diyos kailanman na ang mga salita ng mga apostol ay kumakatawan sa Kanyang mga salita, ni hindi Siya nagpatotoo kailanman na binigyang-inspirasyon Niya ang mga salita ng mga apostol. “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Ito ang sabi ni Pablo. Hindi ’yan pinatotohanan ng Banal na Espiritu kailanman, ni ng Panginoong Jesus. Si Pablo lang ang nagsabi niyan. Samakatwid, walang kabuluhan ang kanyang mga salita! Sa kapanahunan ng mga apostol, nang ipamahagi ang kanilang mga sulat sa mga iglesia, sinabi lang ng mga tao na mga salita ’yon ni Pablo o ni Pedro. Alam nilang lahat na ang mga sulat ng mga apostol ay mga salita ng tao. Hindi itinuring ng sinuman na mga salita ng Diyos ang mga sulat na ’yon. ’Yan ang tunay na nangyari na walang makakapagkaila! Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus lang ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Panginoong Jesus lang ang nagpahayag ng mga salita ng Diyos. Ang mga apostol ay mga tao lang na ginagamit ng Panginoon; ang kanilang mga salita ay mga salita ng tao at kumakatawan lang sa sarili nilang mga interpretasyon at karanasan sa mga salita ng Diyos. Kahit may pagliliwanag ng Banal na Espiritu ang kanilang mga salita, hindi n’yo masasabi na mga salita ito ng Diyos. Hindi sinabi ni Pablo mismo na ang kanyang mga salita ay mga salita ng Diyos o binigyang-inspirasyon ng Diyos. Hindi niya sinabi na nagsalita siya sa ngalan ng Panginoong Jesus. Samakatwid, kung sasabihin natin na ang mga salita ni Pablo ay mga salita ng Diyos at susundin natin ito na parang ito ang hinihiling ng Diyos, dahil lang sa nakasulat ito sa Biblia, mali ’yan!
Ba’t laging pinupuri at pikit-matang pinananaligan ng mga tao ang Biblia? Dahil hindi nila alam na ang Biblia ay isinulat ng mga tao at hindi nagmula sa kalooban ng Diyos. Samakatwid, pikit-matang nananalig at sumasamba ang mga tao sa Biblia; lahat daw ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos. Ito ay pagtalikod sa mga makasaysayang pangyayari. Dulot ito ng kamangmangan ng tao. Basahin natin ang isang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga tuwirang pagbigkas ng Banal na Espiritu. Mga salita lamang ito ng pagpapayo, pag-aliw, at paghihikayat na isinulat niya para sa mga iglesia habang ginagampanan ang kanyang gawain. Kaya isang talaan din ito ng maraming mga ginawa ni Pablo sa panahong iyon. … Lahat ng sinabi niya na nakakapagpatibay at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at hindi nito maaaring katawanin ang Diyos. Napakasamang pagkaunawa, at napakalaking kalapastangan sa Diyos, ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia! … Ang kanyang pagkakakilanlan ay isa lang siyang naglilingkod na apostol, at isa lang siyang apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya isang propeta, ni isang manghuhula. Para sa kanya, ang sarili niyang gawain at ang buhay ng mga kapatid ang pinakamahalaga. Sa gayon, hindi siya makapagsasalita sa ngalan ng Banal na Espiritu. Ang kanyang mga salita ay hindi mga salita ng Banal na Espiritu, at lalong hindi masasabi na mga salita iyon ng Diyos, sapagkat si Pablo ay nilalang lamang ng Diyos, at tiyak na hindi ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi kapareho ng kay Jesus. Ang mga salita ni Jesus ang mga salita ng Banal na Espiritu, ito ang mga salita ng Diyos, sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay iyong kay Cristo—ang Anak ng Diyos. Paano Siya makakapantay ni Pablo? Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3). Mga kapatid, naniniwala na ako na matutukoy natin ang kaibhan ng mga salita ng Diyos sa mga salita ng tao, tama ba? No’ng araw, pikit-mata tayong nanalig sa Biblia at sinamba natin itong masyado. Akala natin binigyang-inspirasyon ng Diyos ang Biblia at puro salita lang ito ng Diyos. Akala natin isinulat ng Diyos ang Biblia. Ang laking pagkakamali! Ang mga taong hindi nagtataglay ng katotohanan ay malamang na malinlang. Ni hindi nila matukoy ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng tao. Itinuturing nilang parang mga salita ng Diyos ang mga salita ng tao. Sukdulan ito ng kamangmangan! Si Pablo ay isa lang sa mga apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Hindi niya maipapahayag ang mga salita ng Diyos kailanman. Kung ipapantay natin ang mga salita ni Pablo sa mga salita ng Diyos, sinasaktan natin nang husto ang disposisyon ng Diyos!
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala