Tanong 3: Kahit hindi mga salita ng Diyos ang mga salita ni Pablo, matapos matawag ng Diyos, nagpalaganap siya ng ebanghelyo at nagtiis ng hirap para sa Panginoon habambuhay. Malayo ang nilakbay niya at sinikap niyang itatag ang iglesia. Napakalaki ng isinakripisyo niya. Kitang-kita ang mga inambag niya sa iglesia. Ang pananampalataya at pagdurusa niya para sa Panginoon ay isang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Tinatanggap n’yo ba ang mga ito?
Sagot: Kababasa lang ng maraming tao sa mga sulat ni Pablo kung pa’no siya nagpalaganap ng ebanghelyo at nagdusa pero hindi nila nauunawaan ang ugali at pagkatao ni Pablo. Alam ng lahat na nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, si Pablo mismo ang galit sa katotohanan at kumalaban sa Panginoong Jesus. Isang bagay ito na hindi ikinaila ni Pablo mismo. Napakaraming sermon at himalang ginawa ang Panginoong Jesus. Ba’t galit at kumalaban pa rin si Pablo sa Panginoong Jesus? Ba’t niya pinahirapan at tinugis ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Ebidensya ito na ang ugali at pagkatao ni Pablo ay galit sa katotohanan at sa Diyos. Ba’t siya nagsumikap na protektahan ang interes ng mga punong saserdote at Fariseo? Ba’t siya nanatiling tapat na Judio? Ipinapakita nito na iniisip lang niya ang kanyang posisyon, hindi ang Diyos. Para mataas ng posisyon, kinalaban niya ang totoong Diyos at pinahirapan ang mga nananalig sa Kanya. Gusto niyang magantimpalaan ng mga Judio anuman ang mangyari. Anong klaseng tao siya? Hindi ’yan mahirap sabihin. Anong sitwasyon ang naging dahilan para tanggapin ni Pablo ang tawag ng Panginoon at ipalaganap ang ebanghelyo bilang apostol? Habang tinutugis at pinahihirapan niya ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, walang nagawa ang Panginoon kundi magpakita kay Pablo sa kalangitan. Binulag siya ng Panginoon sa isang matinding liwanag, kaya napaluhod ito. Hindi nagpakita ang Panginoon kay Pablo dahil sa tapat siya sa Panginoon. Nagpakita Siya rito bilang bahagi ng parusa; wala Siyang magagawa. Napilitang magsakripisyo at magdusa si Pablo para sa Panginoong Jesus dahil nagpakita ang Panginoon sa kanyang harapan. Ang kanyang layunin ay magbayad-sala. Nakita Niya na napaka-makapangyarihan ng Panginoon, at kaya siyang igapos at puwersahing lumuhod. Natakot siyang maparusahan at mapunta sa impiyerno. Kaya nga nagsakripisyo siya para sa Panginoon. Kung hindi nagpakita ang Panginoong Jesus sa kanya, susundin kaya niya ang Panginoon o magsasakripisyo para sa Kanya natay sa kanyang likas na kademonyohan na kumalaban sa Panginoong Jesus? Talagang hindi! Samakatwid, wala talagang pananampalataya si Pablo sa Panginoong Jesus. Ang kanyang pagdurusa at sakripisyo ay hindi niya kusang ginawa. Wala siyang magagawa; pinilit siya.
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala