Tanong 5: Inisip ko dati na ang mga araw ng CCP ay bilang na at malapit nang bumagsak, kaya hindi ba makakatulong nang malaki kung hinintay ko ang kanyang pagbagsak bago ako naniwala? Pero ngayon nakikita ko na ang layunin ng CCP na pahirapan at arestuhin tayo ay upang tayo ay maipadala sa impiyerno! Kung hintayin natin na mamatay ang CCP bago tayo manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, matatanggap pa kaya natin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw at makakapasok sa kaharian ng Diyos? Mapapalampas kaya natin ang ating pagkakataon na mailigtas?
Sagot: Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa Diyos, hinahanap ang katotohanan at lumalakad sa tamang landas ng buhay, hinaharap natin ang buong galit na pang-aapi at pagpapahirap ng CCP. Ito ay isang makahulugang bagay! Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang rehimen ng malasatanas na CCP upang magsilbi para sa pagpeperpekto ng isang grupo ng mga mananagumpay, habang kasabay nitong ibinubunyag at inaalis ang mga hindi tapat na naniniwala sa Diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang totoong mga mananagumpay ay yaong, habang nabubuhay sa ilalim ng awtoritarianismong rehimen ng CCP, nakakaranas ng salita ng Diyos nang may totoong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagdanas ng mabangis na pagsugpo at malupit na pagpapahirap ng CCP, makikitang mabuti ang totoong mga kulay ng demonyong Satanas, at pagkatapos mamumuhi kay Satanas, tatalikuran ito, at tapat na babaling sa Diyos, makakamit ang kaligtasan at magiging perpekto! Ang mga mananagumpay ay nabuo sa natatanging kapaligiran ng pagtutol laban sa Diyos at pagpapahirap sa bayan ng Diyos ng malasatanas na rehimen ng CCP. Kung wala ang marahas na kapaligirang binuo ng pang-aapi at pagpapahirap ng demonyong CCP, ang totoong mga mananagumpay ay hindi mabubuo. Para sa mga tapat na naghahangad sa Diyos, kahit gaano pa ang gawin ng CCP na pagpapahirap o gaano karahas ang kapaligiran, susunod pa rin sila sa Diyos, gagampanan ang kanilang tungkulin, ilalagay sa panganib ang lahat para hanapin ang katotohanan, at magkaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Diyos! Nakikita nila ang paghihigpit ng CCP sa katarungan, pagsuporta sa masama, at ang kawalang galang nito sa batas, mali at masamang reaksiyonaryong diwa. Malinaw nilang nakikita na ang CCP ay isang demonyo na nagtitiwali, nagpapahirap at sumisila sa sangkatauhan, Kung kaya lalo silang nagagalit dito, nagrerebelde laban dito, at tunay na bumabaling sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakaiba na naipakita ng malasatanas na rehimen ng CCP, nalaman din nila ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos, ang Kanyang kagandahan at kabutihan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagmamahal at pagliligtas sa sangkatauhan! Ang pananampalataya at pagmamahal nila sa Diyos ay lalo pang lumago, at ang kanilang mga puso ay lalo pang napalapit sa Diyos. Ang mga taong ito ay tuluyan nang nakalabas sa maitim na impluwensiya ng malasatanas na rehimen ng CCP at nakayanan ang pagpapatotoo ng mga mananagumpay. Sila ang mga mananagumpay na nilikha ng Diyos sa gitna ng malaking pagdurusa, at ang grupo ng mga tao rin na may bahagi sa “pagdurusa, kaharian, at pagtitiis” ni Cristo. Sila ang totoong mga saksi ni Cristo, ang 144,000 mananagumpay na nakasaad sa Aklat ng Pahayag, yaong makakapasok sa kaharian ng Diyos at makakatanggap ng buhay na walang hanggan! Ito ang dahilan kung bakit ang ating pagkakaranas sa pagpapahirap ng CPP dahil sa ating paniniwala at paghahanap ng katotohanan ay napakamakahulugan! Kagaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin” (Mateo 5:10–11). Ito ay tulad lamang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. “Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: ‘Sapagka’t ang aming magaang na kapighatian, na sa isang sandali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng mas higit at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian.’ Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan nito. Ngayon, alam na alam ninyo ang tunay na kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay na nakapulupot. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-aapi, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, dahil dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Ngayon na ang ginintuang panahon upang gawing perpekto ng Diyos ang mga mananagumpay. Pagbagsak ng CCP, ang mga mananagumpay na ito ay mangingibabaw sa lahat para maging saksi sa tagumpay ng Diyos! Kapag ang kanilang pagsaksi sa Diyos ay umabot sa sukdulan, ang kaharian ng Diyos ay opisyal na maitatatag sa lupa! Ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay matatapos sa oras na iyon. Ang mga maililigtas at magiging perpekto ay maihahanda na. Kung ating hihintayin ang oras na iyon para maniwala, mapapalampas natin ang pagkakataon na gawin ng Diyos na mga mananagumpay. Ang mga taong ito ay hindi madadala ang pagpapatotoo sa pananagumpay at hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kahit na sila ay mabuhay, sila ay mabibilang lamang na “taga-serbisyo,” at hindi magiging miyembro ng kaharian ng Diyos.
Makapangyarihan ang Diyos. Ang karunungan ng Diyos ay palaging nagagamit batay sa pagpapakana ni Satanas. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi mapipigilan ng anumang kalabang puwersa. Magmula nang umpisahan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw, patuloy Niyang hinarap ang mga galit na pagsalungat at pagkondena mula sa mga relihiyosong lupon at ang mala demonyong CCP. Ngunit, ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay patuloy pa ring kumakalat sa buong Mainland China, umaabot sa wala pang nakakaabot na hangganan, na may libu-libong iglesia na itinatatag sa buong bansa at milyun-milyong tao ang dumadalo sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nakakuha ng isang grupo ng mga tao na kapareho Niya ang pag-iisip. Ngayon, ang website ng ebanghelyo ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na sa iba’t-ibang mga bansa at lugar sa buong mundo. Parami nang parami ang tumatanggap at nagpapalaganap sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang paglawak ng kaharian ng ebanghelyo ay lubusang nagbubunyag sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos!
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang halimbawa ng mga diktador na pamumuno: ang China, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng China sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at ipinapalaganap ang ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Sa China, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil inililigtas ng Diyos ang bawat isang miyembro ng sangkatauhan hangga’t maaari. Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).
“Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. … Naglalakad Ako ngayon sa piling ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa piling nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, siguradong mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, siguradong gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahanap sa Akin, siguradong makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang talikuran ang kanilang sarili, siguradong papasok sila sa Aking nasasakupan at magmamana ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga gumugugol para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga kasiyahan ang mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; siguradong magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, siguradong magkakaroon sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking bahay, at walang maikukumpara sa kanila. Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19).
mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay