Tanong 1: Sinabing minsan ni apostol Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Samakatwid, ang ibig sabihin ng kumikilos ayon sa mga salita ni Pablo ay ginagawa natin ang kalooban ng Diyos. Kung gayon, siguradong makakapasok tayo sa kaharian ng langit at tatanggap ng mga gantimpala.
Sagot: Tungkol sa tanong na anong klaseng tao ba ang makakapasok sa kaharian ng langit, sabi ng Panginoong Jesus no’ng araw, “kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit.” Lubos na ipinapakita niyan ang tunay na diwa ng katuwiran at kabanalan ng Diyos. Ang mga kampon ni Satanas, marumi at tiwali, ay hindi makakapasok sa kaharian ng langit. Pero sabi ni Pablo, sa pagbaka ng mabuting pakikipagbaka, pagtatapos ng kanyang takbo at pagsampalataya, makakapasok siya sa kaharian ng langit at magagantimpalaan. Ayon kay Pablo, basta’t nagsusumikap ang tao para sa Panginoon, makakapasok sila sa kaharian ng langit, kahit hindi nila sundin ang mga salita ng Diyos o hindi pa sila banal. Kung gayo’y pa’no maipapakita ang katuwiran at kabanalan ng Diyos? Nang sabihin ’to ni Pablo, kontra siya sa Diyos. Lantaran niyang tinatanggihan noon ang mga salita ng Panginoong Jesus at pinatitigil at ginugulo ang gawain ng Diyos! Hindi kaya paggawa ng kalooban ng Ama sa langit ang pagbaka ng mabuting pakikipagka at pagtatapos ng takbo? Ang pag-iingat sa pangalan ng Panginoong Jesus nang hindi tinatalikuran ang Panginoon, paggawa ba ’yan ng kalooban ng Ama sa langit? Ang paggawa ng kalooban ng Ama sa langit ay pagsunod sa mga salita, utos at tagubilin ng Diyos. Pag hindi namumuhay ang mga tao ayon sa mga salita ng Panginoon, hindi puwedeng ginagawa nila ang kalooban ng Ama sa langit, anuman ang kanilang ginagawa o gaano man sila nahihirapan. Ang sinabi ni Pablo ay lubos na batay sa sarili niyang mga pagkaintindi at imahinasyon at hinaluan ng sarili niyang mga ambisyon at opinyon. Sapat nang patunayan na si Pablo ay hindi isang taong gumawa ng kalooban ng Ama sa langit. Kung ginawa niya ang kalooban ng Diyos, ba’t ’di niya ginabayan ang mga alagad na sundin ang mga salita ng Panginoong Jesus? Ba’t basta na lang siya nagbigay ng gayong opinyon, na laban talaga sa mga salita ng Panginoong Jesus? Ba’t niya nilabanan ang Panginoong Jesus? Iniligaw niya ng landas at nilinlang ang iba sa sarili niyang maling pagkaintindi, Pinigilan niya ang iba na tumahak sa landas ng Panginoong Jesus, at ginawang hungkag at walang kuwenta ang Kanyang mga salita. Pinilit niyang makinig sa kanya ang mga nananalig at talikuran ang Panginoon. Pinatutunayan niyan na si Pablo ay hindi isang taong naghanap ng katotohanan o sumunod sa kalooban ng Diyos. Mga kapatid, kapag hinangad nating makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nating gawing pamantayan ang mga salita ng Panginoong Jesus dahil Siya ang Hari ng kaharian ng langit; ang Kanyang mga salita lamang ang katotohanan at may awtoridad. Siya lamang ang nagpapasiya kung anong klaseng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, at si Pablo ay isang Apostol lamang na nagpalaganap ng ebanghelyo. Hindi siya si Cristo. Ang kanyang mga salita ay hindi katotohanan. Kung gayon, walang kabuluhan ang kanyang mga salita. Ang Panginoong Jesus ang nagpapasiya kung makakapasok si Pablo sa kaharian ng langit o hindi, kaya pa’no naging marapat si Pablo na magpasiya kung makakapasok ang ibang mga tao?
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala