Tanong 4: Kahit hindi perpekto si Pablo, hindi na maaalala ng Panginoon ang dati niyang mga kasalanan. Naglingkod at nagdusa si Pablo para sa Panginoon nang maraming taon; mas malaki ang sakripisyo niya kaysa kaninuman. Malamang, pinuri ng Panginoon ang kanyang pagdurusa. Huwaran pa rin natin si Pablo! Isa siyang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Kung hindi nakatamo si Pablo ng papuri ng Diyos, sino pa?
Sagot: Sinasabi n’yo ba na talagang pinuri ng Diyos ang pagdurusa ni Pablo? Alam n’yo ba kung bakit siya nagdusa, kung ano ang kanyang intensyon? Palagay ko ginawa n’ya ’yon para pagbayaran ang kanyang mga kasalanan; wala siyang magagawa. Ginawa niya ’yon para magtamo ng putong at gantimpala. Pa’no tatanggapin ng Panginoon ang kanyang pagdurusa? Ang Panginoon ay matuwid; alam Niya ang ginagawa at nasa puso ng mga tao. Hindi makikita ng mga tao ang nasa isipan ni Pablo, pero nakikita ’yan ng Diyos. Di ba dapat maniwala ang mga tao na matuwid ang Diyos? Ba’t nila pinupuri, sinasamba, at dinadakila si Pablo nang ganito? ’Di ba pagkalaban ’yan sa Panginoong Jesus? Ba’t nila ipinagtatanggol si Pablo? Ano ang problema ro’n? Nasa panig ba sila ng Panginoong Jesus at nagsasalita para sa Kanya? Sumasampalataya ba talaga sa Panginoon ang mga taong ’yon?
Ang mga tao ay sumamba at sumunod kay Pablo. Pinatutunayan nito na ang likas ng mga tao ay katulad ng kay Pablo. Pinatutunayan nito na ang mga intensiyon ng mga tao ay katulad ng kay Pablo kapag sila ay nagdurusa at gumugugol para sa Panginoon. Ang uri ng tao na sinasamba at sinusunod ng mga tao ay sumasagisag sa diwa ng kanilang likas na pagkatao. Sa paniwala ng tao, ang sinumang nagdurusa at gumugugol para sa pangangaral ng pangalan ng Panginoon ay ililigtas ng Diyos. Mali ito! Inililigtas ng Diyos ang mga taong gaya ni Pedro, na nagtataglay ng pagkatao, nagmamahal sa katotohanan, hinahanap ang katotohanan at tunay na nagmamahal sa Diyos. Hindi inililigtas ng Diyos ang masasamang tao na galit sa katotohanan, ikinakaila at kinakalaban ang Diyos. Ang gayong mga tao ay nagtataglay ng likas ni Satanas, at hindi sila kailanman magbabago. Si Pablo ay gayong uri ng tao. Sa kabaligtaran ni Pablo, si Pedro ay nagkusang sumunod sa Panginoong Jesus noong siya ay nangangaral. Siya ay tinagubilinan ng Banal na Espiritu at kinilala si Jesus bilang ang Panginoon at ang Cristo. Si Pedro ay mayroong tunay na pananampalataya noon sa Panginoong Jesus. Napagmasdan ng Panginoong Jesus ang lahat ng bagay, at kalaunan ay nagtuon sa pagsasanay kay Pedro at siya ay naging perpekto. Tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro sa maraming pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga Ako?” at sinabi kay Pedro, “Pakainin mo ang Aking mga tupa” (Juan 21:16), “At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit” (Mateo 16:19). Makikita na si Pedro ang tunay na nagmahal sa Panginoon at tunay na sumunod sa kalooban ng Ama sa langit. At si Pablo ay isang Fariseo na nagalit sa katotohanan at kumalaban sa Diyos. Tinawag ng Panginoong Jesus si Pablo para siya magsisi at para sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang katotohanang nagapi niya si Pablo, na may kademonyohan, ay patunay na makapangyarihan siya at na mapaglilingkod Niya ang sinuman sa Kanyang gawain. Mula sa gawain ng Diyos, malinaw nating nakikita ang uri ng mga taong inililigtas ng Diyos at anong uri ang hindi Niya inililigtas. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi iniligtas ng Panginoong Jesus ang mga Judiong Fariseo na iyon, kundi kinondena at isinumpa sila, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang sana’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawala kayo sa kahatulan sa impiyerno?” (Mateo 23:29–33). Sa mga huling araw, hinahatulan at ibinubunyag din ng Makapangyarihang Diyos ang kakanyahan ng mga Fariseo: “Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mayabang, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). “Ano ang pinakadiwa nila? Hindi ba’t hindi nila hinangad ang daan sa pagiging-magkaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Banal na Kasulatan habang hindi nagbibigay pansin sa kalooban Ko o sa mga hakbang at mga kaparaanan ng gawain Ko. Hindi sila mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong mahigpit na kumapit sa mga salita; hindi sila mga taong naniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniwala sa Biblia. Sa pinakadiwa, mga tagapagbantay sila ng Biblia. … Kaya ginusto nilang talikdan ang kinabukasan nila at ang handog para sa kasalanan upang kondenahin si Jesus, na hindi umayon sa doktrina ng Banal na Kasulatan, sa kamatayan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo). Mga kapatid, mula sa katotohanan na sa kapwa pagkakataon ang Diyos ay nagkatawang-tao, hinahatulan at kinokondena Niya ang mga Fariseo, nakita natin ang pagkamatuwid at banal na disposisyon ng Diyos. Hindi iniligtas ng Diyos ang mapagpaimbabaw na mga Fariseo dahil ang kanilang kakanyahan ay nainis sa katotohanan, galit sa katotohanan at malupit sa Diyos. Si Pablo mismo ay may kakanyahan ng mga Fariseo. Kahit maraming taon na siyang naniwala sa Diyos, marami na siyang pinagdusahan, hindi niya nagawang makilala ang Diyos o maging isang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Kaya nga, kung iniisip mong pinuri ng Diyos si Pablo sa pagdurusa at paggugol, ang pananaw mong ito ay mali!
mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala