Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng tao! Nakagawa ng malaking pagkakamali ang mga Fariseo sa paghihintay sa pagdating ng Mesias. Ginamit nila mismo ang mga palagay at imahinasyon ng tao upang sukatin ang Panginoong Jesus na dumating na. Sa huli, ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus. Hindi ba ito isang katunayan? Kasing-simple ba ng iniisip natin ang paghihintay sa pagdating ng Panginoon? Kung babalik ang Panginoon at gagawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan tulad ngginawang Panginoong Jesus sa katawang-tao, at hindi natin Siya nakikilala, hahatulan at babatikusin rin ba natin Siya tulad ng ginawa ng mga Fariseo at ipapako Siyang muli sa krus? Ito ba ay isang posibilidad? Ang Panginoong Jesus ay nag propesiya na babalik Siya at nag sabi ng maraming salita tungkol dito, ngunit kayo ay kumakapit lamang sa propesiya na bababa ang Panginoon nang nasa mga alapaap at hindi hinahanap o iniimbestigahan ang iba pang higit na mas mahahalagang propesiyang sinabi ng Panginoon. Ginagawang madali nito ang paglakad sa maling landas at iiwanan ng Panginoon! Sa katunayan hindi lamang ang “pagbaba nang nasa mga alapaap” ang ipinropesiya sa Biblia. Marami ring propesiya tulad ng pagdating ng Panginoon gaya ng isang magnanakaw at bababa nang palihim. Tulad ng Pahayag 16:15: “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Mateo 25:6, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.” At Pahayag 3:20: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko.” Ang lahat ng mga propesiyang ito ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao at pagbaba nang palihim. “Gaya ng magnanakaw” ay nangangahulugan na darating nang tahimik, palihim. Hindi malalaman ng mga tao na Siya ay Diyos kahit na nakikita o naririnig nila Siya, tulad noong mga panahong ang Panginoong Jesus ay nagpakita at gumanap sa Kanyang gawain. Pagdating sa labas, ang Panginoong Jesus ay isa lamang ordinaryong Anak ng tao at walang nakakaalam na Diyos Siya, kaya ang Panginoong Jesus ay ginamit ang “gaya ng magnanakaw” bilang isang pagkakatulad sa pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Talagang naaangkop ito! Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan, kahit gaano pa magsalita o gumawa ang Diyos sa katawang-tao, o gaano karami ang mga katotohanang inihahayag Niya, hindi nila tinatanggap. Sa halip, ituturing nila ang katawang-taong Diyos bilang isang normal na tao at binabatikos at iniiwan Siya. Kaya nag propesiya ang Panginoong Jesus na kapag Siya ay babalik: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Batay sa propesiya ng Panginoon, ang Kanyang pagbabalik ay magiging “ang pagdating ng Anak ng tao.” Ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa nagkatawang-taong Diyos, hindi ang espirituwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus na bumababa nang nasa mga alapaap upang lantarang magpapakita sa harap ng lahat ng tao. Bakit natin nasabi iyan? Isipin natin ang tungkol dito. Kung iyon ang espirituwal na katawan ng muling nabuhay na Panginoong Jesus na bumababa sa publiko nang nasa mga alapaap, magiging lubhang makapangyarihan iyon at gugulatin ang mundo. Dadapa ang lahat sa lupa at walang sinuman ang mangangahas na manlaban. Sa kasong iyon, tiisin pa rin bang nagbalik na Panginoong Jesus ang maraming paghihirap at tanggihan ng henerasyong ito? Talagang hindi! Iyon ang dahilan kung bakit ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na ang Kanyang pagbabalik ay magiging “ang pagdating ng Anak ng tao” at “gaya ng magnanakaw.” Sa katunayan, tumutukoy ito sa nagkatawang-taong Diyos bilangAnak ng tao na dumarating nang palihim.

Kaya ano ang relasyon sa pagitan ng Anak ng tao na bumababa nang palihim upang magpakita at gampanan ang Kanyang gawain at ang Diyos na lantarang nagpapakita sa pamamagitan ng pagbaba ng nasa mga alapaap? Ano ang kabilang sa prosesong ito? Pag-usapan natin iyon nang simple. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at bababa nang palihim sa mga tao upang magbigkas at magsalita, ginagampanan ang gawain ng paghatol magsimula sa bahay ng Diyos, dinadalisay at ginagawang perpekto ang lahat ng nakakarinig ng Kanyang tinig at bumabalik sa harapan ng Kanyang trono at ginagawa silang isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos ay dinadala ng Diyos ang malaking sakuna, dadalisayin at kakastiguhin ang lahat ng mga taong hindi tumatanggap sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, bababa ang Diyos ng nasa mga alapaap upang lantarang magpakita sa harap ng lahat ng tao. Ganap na tutuparin niyon ang propesiya sa Pahayag 1:7: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.” Kapag bumababa ang Panginoon ng nasa mga alapaap, makikita pa rin ba Siya ng mga nagpako sa Kanya? Sino ba ang mga taong tumuhog sa Kanya? May ilang nagsasabi na iyon daw ang mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus. Iyon ba talaga ang totoo? Hindi ba’t matagal nang isinumpa at winasak ng Diyosang mga taong nagpako sa Panginoong Jesus sa krus? Sa katotohanan, yaong mga tumuhog sa Kanya ay ang mga taong, sa panahong bumaba nang palihim ang nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw upang gumawa, hindi hinahanap ang tinig ng Diyos at binabatikos at nilalabanan ang Makapangyarihang Diyos. Sa panahong iyon, makikita nila ang Makapangyarihang Diyosna kanilang nilabanan at binatikos ay walang iba kundi ang Tagapagligtas na si Jesus na matagal na nilang hinihintay sa haba ng panahon. Dadagukan nila ang kanilang mga dibdib, iiyak at magngangalit ang kanilang mga ipin, at ang kanilang kahihinatnan ay kaparusahan lamang. Hindi sinasabi ng Libro ng Pahayag kung ang mga naturang tao ay mabubuhay o mamamatay sa huli, kaya hindi natin malalaman. Tanging Diyos ang nakakaalam. Tanging ang mga matatalinong dalagana nakakarinig sa tinig ng Diyos ang may pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos upang dumalo sa piging ng kasal ng Kordero, at gagawing perpekto ng Diyos bilang isang mananagumpay. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Cordero(Pahayag 14:4). Sa mga kumakapit lamang sa paniniwalang bababa ang Panginoon nang nasa mga alapaap ngunit hindi hinahanap at iniimbestigahan ang gawain ng Diyos samga huling araw, itinuturing silang mga mangmang na dalaga. Lalo na yaong mga galit na lumalaban at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos, sila ang mga Fariseo at anticristong inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sila ang lahat ng mga taong nagpako muli sa Diyos sa krus. Ang lahat ng mga taong ito ay mahuhulog sa malalaking sakuna at tatanggap ng parusa. Samakatuwid, anong pagkakamali ang nagawa ng mga taong sasalubungin lamang ang Diyos na bumababa nang nasa mga alapaap, anong uri ng mga tao sila, at ano ang kanilang kahihinatnan, ay ang mga bagay na naniniwala akong malinaw dapat sa lahat.

mula sa iskrip ng pelikulang Basagin ang Sumpa

Sinundan: Tanong 1: Nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ay ang bumalik na Panginoong Jesus. Imposible ’yan! Sinasabi sa Biblia, “Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:29–30). Kung talagang nagbalik na ang Panginoon, dapat ay nagawa na Niya nang may malaking kaluwalhatian habang bumababa sakay ng ulap. Bukod diyan, nayanig sana ang langit at lupa, at hindi na nagliwanag ang araw at buwan. Sa ngayon hindi pa nakikita ang gayong tanawin, kaya paano nila nasabi na nagbalik na ang Panginoon? Ano ba talaga ang nangyayari?

Sumunod: Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos—ang Anak ng tao—muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito