Tanong 4: Madalas ipaliwanag ng mga pastor ang mga salita ng tao sa Biblia, lalo na yung kay Pablo sa halip na talakayin ang mga salita ng Panginoon, o ang mga intensyon Niya. Pero meron pa rin akong ’di naiintindihan. ’Di ba kinasihan ng Diyos ang buong kasulatan? Di ba salita ng Diyos ang lahat ng nasa Biblia? Ba’t kailangan niyong tukuyin nang napakalinaw ang mga salita ng tao at ng Diyos sa Biblia? Hindi ba kinasihan ng Diyos ang lahat ng salita ng tao sa Biblia?
Sagot: “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Sino nga ba ang nagsabi nito, alam niyo ba? Sinabi ba ito ng Diyos, o ng tao? Ano’ng basehan mo sa pagsasabing “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos”? “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Hindi ’yan sinabi ng Diyos na si Jehova, o ng Panginoong Jesus o ng Banal na Espiritu kundi ni Pablo. Hindi si Cristo si Pablo; isa lang siyang masamang nilalang. Pa’no niya nalamang kinasihan ng Diyos ang lahat ng kasulatan? Kinasihan man ng Diyos ang Biblia o hindi, Diyos lang ang nakakaalam niyan. Si Cristo lang ang malinaw na makakasagot sa tanong na ’yan, dahil hindi alam at ’di maintindihan ng tao ang bagay na ’to. Nagsimula ang Biblia nang isulat ni Moises ang Genesis, at pagkaraan ng mga isanlibong taon, sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain. Ni hindi kilala ni Pablo ang sinuman sa mga may-akda ng Kasulatan. Pa’no niya nalamang kinasihan ng Diyos ang salita ng mga taong ’yon? Nasabi ba ng mga manunulat na ’yon kay Pablo na kinasihan ng Diyos ang salita nila? Ipinapakita niyan na walang anumang tunay na basehan ang sinabi ni Pablo. Personal na kaalaman lang niya sa Biblia ang sinabi niya. Di niya kinakatawan ang Panginoong Jesus ni ang Espiritu Santo. ’Yan ang katotohanan. Base lang sa mga salita ni Pablo, napagpasiyahan ng mga pastor na lahat ng salita sa Biblia ay salita ng Diyos at inspirado Niya. Salungat ’yan sa nangyari sa kasaysayan. Nung panahon ng mga apostol, matapos ipasa sa iglesia ang mga sulat nila, sinabi siguro ng lahat na mga salita ’yon ng mga apostol, mga salita ni Kapatid na Pablo. Walang sinumang nagsabing kinasihan ng Diyos o mga salita ng Panginoong Jesus ang mga ’yon. Kahit si Pablo mismo ay hindi nangahas na sabihing salita ng Diyos o kinasihan ng Diyos ang mga salita niya, ni hindi siya nagsalita sa ngalan ng Panginoong Jesus. Kung gayon, walang pundasyon ang pahayag na “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Tanging si Pablo lang ang nagsabi na “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” at tumutukoy lang ’yon sa Lumang Tipan, pero naniniwala ro’n ang lahat. Ba’t pinaniniwalaan ng tao’ng pahayag ni Pablo? Maniniwala ba sila kung ibang tao ang nagpahayag niyan? Sapat nang pruweba ’yan na pikit-matang naniniwala’t sumasamba ang tao kay Pablo. Anumang sinabi ni Pablo ay ipinapalagay na mga salita ng Diyos. Di ba mga paniwala at imahinasyon ’yan ng tao? Inihahayag niyan na si Pablo lang ang nasa puso ng tao at hindi ang Panginoong Jesus. Sinasamba at sinusunod nilang lahat ang tao, sa halip na katakutan at purihin ang Panginoon.
mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag