Tanong 5: Pilit ang mga sakripisyo at pagdurusa ni Pablo. Inaamin din natin ’yan. Pero pag sinabi mong galit si Pablo sa katotohanan at kaaway siya ng Diyos, hindi ako sang-ayon diyan. Ano’ng batayan mo?

Sagot: May mga pangyayaring magpapakita kung galit nga si Pablo sa katotohanan at kontra sa Diyos o hindi: Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, nagpahayag Siya ng maraming katotohanan, nagpamalas ng maraming himala at niyanig ang buong Judea. Dapat ay alam ng isang taong may kalibreng katulad ni Pablo na lahat ng gawain ng Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, pero hindi hinanap o inaral ni Pablo ang daan ng Panginoong Jesus. Sa halip, palipat-lipat siya ng lugar, na nagsasalita sa publiko laban sa Panginoong Jesus. Nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, nagdilim ang araw, nayanig ang lupa, at napunit ang kurtina ng templo. Nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at nagpakita nang apatnapung araw matapos mamatay. Niyanig ng dalawang pinakamalaking himala ang buong Judea. Nagsagawa rin ng maraming himala ang mga disipulo ng Panginoon sa Kanyang pangalan. Nakita man ang lahat ng ito, hindi lang hindi kinilala ni Pablo na ang Panginoong Jesus ang Diyos, sadya pa niyang pinatindi ang pagkalaban sa Diyos. Humingi siya ng sulat sa mga high priest, tapos kinalaban at pinahirapan niya ang mga disipulo ng Panginoong Jesus. Mukhang hindi siya masisiyahan hangga’t hindi niya napapatay ang lahat ng alagad ng Panginoong Jesus at handa siyang lumaban hanggang kamatayan. Sapat na ang mga pangyayaring ito para patunayan na sadyang kinalaban ni Pablo ang Diyos at walang takot na ginulo at binagabag ang Kanyang gawain. Ang kanyang pagkatao at diwa ay magalit sa katotohanan at kalabanin ang Diyos. Kung hindi, ba’t niya itinuring na kaaway ang Panginoong Jesus, na nagpahayag ng katotohanan? Tingnan natin kung pa’no inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang ugali at pagkatao ni Pablo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa pagbanggit kay Pablo, iisipin ninyo ang kanyang kasaysayan, at ang ilan sa mga kuwento tungkol sa kanya na hindi tumpak at hindi umaayon sa realidad. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang mula sa murang edad, at natanggap ang Aking buhay, at bilang resulta ng Aking paunang pagtatalaga ay nagtaglay siya ng kakayahang Aking kinakailangan. … Gayon pa man, ang kanyang isang kapintasan ay, dahil sa kanyang mga talento, madalas siyang matamis magsalita at mayabang. Bilang resulta, dahil sa kanyang pagsuway, na bahagyang direktang kumatawan sa arkanghel, nang Ako ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang lumaban sa Akin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 4). “Sapagkat, sa simula, inusig niya si Cristo, at hindi siya nagpasakop kay Cristo; siya ay likas na isang rebelde na sadyang kumontra kay Cristo, at isang taong walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Nang halos patapos na ang kanyang gawain, hindi pa rin niya alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumilos lamang sa sarili niyang kusa batay sa kanyang sariling pagkatao, nang hindi nagbibigay ni kaunting pansin sa kalooban ng Banal na Espiritu. Kaya nga ang kanyang likas na pagkatao ay napopoot kay Cristo at hindi sumunod sa katotohanan. Ang isang taong kagaya nito, na tinalikdan na ng gawain ng Banal na Espiritu, na hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumontra din kay Cristo—paano kaya maililigtas ang gayong tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Mga kapatid, malinaw na nailantad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang pagkatao ni Pablo. Si Pablo ay isang kaaway ng Diyos na sadyang kinalaban si Cristo. Ang totoo, ni hindi kilala ni Pablo ang Panginoong Jesus. Kinalaban niya ang Panginoong Jesus. Kasi galit siya sa Diyos at sa mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Samakatwid, ang ugali at pagkatao ni Pablo ay magalit sa katotohanan at kalabanin ang Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan: Tanong 4: Kahit hindi perpekto si Pablo, hindi na maaalala ng Panginoon ang dati niyang mga kasalanan. Naglingkod at nagdusa si Pablo para sa Panginoon nang maraming taon; mas malaki ang sakripisyo niya kaysa kaninuman. Malamang, pinuri ng Panginoon ang kanyang pagdurusa. Huwaran pa rin natin si Pablo! Isa siyang halimbawa sa lahat ng Kristiyano. Kung hindi nakatamo si Pablo ng papuri ng Diyos, sino pa?

Sumunod: Tanong 6: Lahat ng sinasabi n’yong ito ay mga kasalanan ni Pablo bago niya tinanggap ang tawag ng Panginoon. Pero matapos siyang liwanagan ng matinding liwanag, naglakbay siya sa lahat ng dako para ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoon. Ni hindi natin alam kung ilang iglesia ang itinatag niya o kung ilang tao ang naakay niyang tanggapin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Napakarami niyang isinulat para suportahan ang matatapat. Ipinapakita niyan na talagang nagsisi si Pablo. Hindi n’yo masasabi na isa siyang kaaway ng Panginoong Jesus batay sa kanyang isinagawa bago siya bumaling sa Panginoon.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito