Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 5: Nang malaman ng pastor at elder na tinanggap namin ang Makapangyarihang Diyos, walang-tigil ang panggugulo nila sa amin, walang-tigil ang paliwanag nila sa amin sa Biblia. Kahit pabulaanan namin sila, at tanggihan sila, ayaw nila kaming tantanan. Matinding panliligalig ‘yan sa mga mamamayan. Noong araw, kapag nanghihina o negatibo kami, hindi sila ganito kasigasig. Pero ngayon, nang tanggapin na namin ang Makapangyarihang Diyos, galit na galit sila, sa pagbibigay ng pabuya at parusa, panay ang pang-iinis nila sa amin. Parang hindi sila titigil sa kasamaan nila hangga’t hindi nila kami naihuhulog sa impiyerno na kasama nila! Hindi ko lang maintindihan. Ang pastor at elder, bilang mga taong naglilingkod sa Panginoon, at madalas magsalita tungkol sa Biblia, dapat nilang makita na lahat ng salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan. Bakit hindi nila hanapin ang katotohanan? Bakit hindi nila siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip na mabangis na tuligsain, kalabanin, at lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos? Ginagawa ng pastor at elder ang lahat para hadlangan ang pagtanggap namin sa Makapangyarihang Diyos. Nahihirapan kaming makita ang likas na katangian ng bagay na ito. Pakipaliwanag ito nang kaunti sa amin.

Sagot: Puwede bang hindi mag-alala ang pastor at elder sa pagtanggap n’yo sa Makapangyarihang Diyos? Sa mga mata ng pastor at elder, kayo ang kanilang mga tupa. Naakit kayo ng iba—masakit ito sa pastor at elder. Kung gayo’y kailangan nilang gawin ang lahat para makawala kayo, at pabalikin kayo. Gunitain ang mga pagkakataon na nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus. Ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ay walang-pakundangang siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ang Panginoong Jesus; ipinako pa nila ang Panginoong Jesus sa krus. Noong panahong iyon siguradong maraming Judiong gustong tumanggap sa Panginoong Jesus. Bakit hindi sila nangahas na tanggapin ang Panginoong Jesus? At hindi rin sila nangahas na sundin ang Panginoong Jesus? Palagay ko madalas na tinakot ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio ng nananalig na mga Judio, at gumamit pa ng iba’t ibang pamamaraan para hadlangan ang mga tao sa pagtanggap sa Panginoong Jesus. Noong panahong iyon may isang taong nagngangalang Nicodemo. Bakit gabi siya nakikipagkita sa Panginoong Jesus? Siguradong may kaugnayan ‘yon sa sitwasyong ito. Malinaw na nakatala ang mga ito sa Biblia. Sa kasamaang-palad iilang tao lang sa iba’t ibang relihiyon ang nakaunawa sa dahilan ng pagkalaban ng mga Fariseo sa Panginoon. Wala ring nakaunawa sa mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon batay sa mga sinabi ng Panginoong Jesus para hatulan, ilantad, at isumpa ang mga Fariseo. Hindi ba ganito nga ang sitwasyon? Dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at inilantad na ang dahilan at tunay na sitwasyon ng pagkalaban ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder sa Diyos. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinsasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gusto ba ninyong malaman kung ano ang pinag-ugatan ng pagkalaban ng mga Fariseo kay Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang substansya ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasiya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman sa daan ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang daan ng katotohanan. Sasabihin ninyo, paano matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang daan ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang pagkatao ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magagawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, kung isasaalang-alang na wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusgahan ang pagbabalik ni Jesus sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litong-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus pagbalik Niya sa Kanyang katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag tanggapin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko sa inyo: Ang mga taong ayaw tanggapin ang katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang lahing lilipulin” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at sagabal na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may ‘malulusog na laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay antikristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin?” (“Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga ‘angkop’ na sipi na binabasa nila nang walang katapusan … Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia” (“Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Tingnan ang mga pinuno ng bawat denominasyon at sekta. Lahat sila at mayayabang at itinatayo ang sarili, at ipinapaliwanag nila ang Biblia na wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Silang lahat ay umaasa sa mga regalo at katalisikan upang gawin ang kanilang trabaho. Kung sila ay walang kakayahang mangaral ng kahit ano, susundan kaya sila ng mga taong iyon? Sila, kahit papaano, ay nagtataglay ng ilang pag-aaral, at maaaring magsalita nang kaunting doktrina, o alam kung paano akitin ang mga iba at kung paano gamitin ang ilang mga katusuhan, na kung saan dinala nila ang mga tao sa harapan ng kanilang mga sarili at dinaya sila. Sa pangalan lamang, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos–subalit sa realidad sila ay sumusunod sa kanilang mga pinuno. Kapag nakatagpo nila yaong mga nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay magsasabi, “Kailangang konsultahin natin siya tungkol sa ating paniniwala sa Diyos.” Tingnan kung paanong kinakailangan nila ang pahintulot ng isang tao upang maniwala sa Diyos; hindi ba ito isang problema? Ano na naging ang mga pinunong iyon, samakatuwid? Hindi ba sila naging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga antikristo, at katitisurang mga hadlang sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?” (“Tanging Ang Pagtugis ng Katotohanan Ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).

Ngayong nabasa na natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mas malinaw na ba sa lahat kung paano kinalaban at tinuligsa ng relihiyosong mga Fariseo ang Panginoong Jesus, kung paano kinalaban at tinuligsa ng mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang mga totoong nangyari at dahilan ng pagkalaban nila sa Diyos? Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinumpia ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, At inilantad ang tunay na pagkaipokrito ng mga Fariseo. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at ibinunyag na ang ugali, asal, at tunay na diwa ng mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon na kalabanin ang Diyos. Sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, bakit Niya ibinunyag ang tunay na diwa at katunayan ng pagpapaimbabaw at pagkalaban ng mga pinuno ng mga relihiyon sa Diyos sa dalawang pagkakataong iyon? Ang dahilan ay kahit lantaran silang naglilingkod sa Diyos, katunaya’y hindi sila tumutupad at nagkakaroon ng karanasan sa mga salita ng Diyos, at hindi sila sumusunod sa mga utos ng Diyos. Dahil dito wala silang realidad ng katotohanan, at ni hindi sila mga taong talagang nagpapailalim sa Diyos; sinusunod lang nila ang ilang doktrina, patakaran, at mga seremonya ng iglesia. Ginagamit nila ang sarili nilang kahusayan sa pagsasalita at mga kaloob, ipinaliliwanag nila ang kanilang kaalaman at teolohiya sa Biblia para lamang mapansin sila at makapagyabang, para igalang at sundin sila ng mga tao. Dahil dito ay sinusunod sila ng mga taong hinirang ng Diyos, at kinokonsulta sila sa bawat bagay, sinusunod sila sa lahat ng bagay. Kahit sa pagsisiyasat at paghahanap ng tunay na daan, kailangan pang humingi ng pahintulot sa pastor at elder ang mga taong hinirang ng Diyos. Anumang bagay ang makaharap nila, sa halip na magtuon sa pagdarasal sa Diyos o paghahanap ng katotohanan, umaasa at umaasam sila sa suporta ng pastor at elder. Ginagawa nila ang anumang ipagawa sa kanila ng pastor at elder. Wala silang kaalam-alam kailanman kung naaayon ang mga salita ng pastor at elder sa Biblia o sa katotohanan. Kahit nang magpakita ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa at ipahayag ang katotohanan, wala silang kapangyarihang gawin ang sarili nilang mga desisyon kung dapat nila itong siyasatin, kung dapat silang makinig sa tinig ng Diyos. Kailangan pang ang mga relihiyosong pastor at elder ang magdesisyon para sa kanila. Ibinibigay nila ang sarili nilang buhay at huling tirahan sa mga pastor at elder, at hinahayaan silang makialam dito. Ano ang problemang ito? Sa huli’y naniniwala ba sila sa mga pastor at elder, o sa Panginoong Jesus? Talagang pinag-iisip nito ang tao. Hindi talaga nadala ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder ang mga tao sa harapan ng Diyos, sa halip ay nakontrol nila ang mga ito sa sarili nilang kapangyarihan. Dahil walang kaalam-alam ang marami sa mga taong hinirang ng Diyos, nalinlang sila ng paimbabaw na pagkatao ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder. Kung hindi naparito ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at ilantad ang tunay na diwa ng kanilang pagkamuhi sa katotohanan at pagkalaban sa Diyos, walang makakakita na sila ay mga anticristo na galit sa katotohanan at nakikipag-agawan sa Diyos para sa Kanyang mga taong hinirang! Sa ganitong paraan, walang paraan para maiwasan ng mga taong hinirang ng Diyos na malinlang at mabitag sila, walang paraan para matanggap nila ang gawain ng Diyos at makabaling sila sa Diyos para magkamit ng kaligtasan, at sa huli ay sinira ng masasamang lingkod at anticristong ito. Lubos na nailantad ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na diwa at dahilan ng pagkalaban ng relihiyosong mga Fariseo, pastor, at elder sa Diyos, at sinira nila ang kanilang mga maskara at balatkayo bilang mga ipokrito, kaya nakita ng mga nananalig sa Diyos ang mga totoong pangyayari at katotohanan ng kanilang pagkalaban sa Diyos habang naglilingkod sa Kanya. Hindi ba ito pagliligtas ng Diyos sa atin mula sa pagpigil ng relihiyosong mga Fariseo, at mula sa impluwensya ni Satanas? Kung hindi gumawa nang ganito ang Diyos, kusa bang makakabalik sa presensya ng Diyos ang mga nananalig sa Kanya? Kung hindi nailantad ng Diyos ang katotohanan at mga totoong pangyayari sa pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos, makikilala kaya ng mga nananalig sa Diyos ang mga Fariseo? Kung hindi nailantad ng Diyos ang katotohanan at mga totoong pangyayari sa pagkalaban ng mga relihiyosong pastor at elder sa Diyos sa mga huling araw, maiiwasan kaya ng mga nananalig sa Diyos ang kanilang pagpigil at pagbitag? Siguradong hindi. Kaya sinasabi namin na ganito ang paraan ng paggawa ng Diyos dahil sa Kanyang habag sa atin, at sa Kanyang pagliligtas sa atin!

Sa mga bahay-sambahan, iginagalang ng halos lahat ng tao ang mga pastor at elder. Naniniwala sila na nauunawaan ng mga pastor at elder ang Biblia, at sila ay tapat. Mapagmahal din sila sa mga kapatid, at madalas nilang ipaliwanag ang Biblia nang walang-pagod sa mga tao. Paano sila naging mapagpaimbabaw na mga Fariseo, at anticristo? Katunayan, mga anticristo man o hindi ang mga pastor at elder ng relihiyon, hindi ‘yon makikita sa paimbabaw na kabaitan nila sa iba, o kung gaano karami ang nagawa nila para sa Panginoon, o kung gaano ang pagdurusa nila. Ang pinakamahalaga ay makita kung paano nila tinatrato ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at kung paano nila tinatrato si Cristo na nagkatawang-tao at ang katotohanang ipinapahayag ni Cristo. Sa ganitong paraan lamang malinaw na makikita ang tunay nilang pagkatao. May kaunting pagkakatulad ito sa mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio noong araw. Sanay silang lahat sa pagpapaliwanag sa mga kasulatan; nakaburda pa nga ang kasulatan sa mga palawit ng kanilang damit. Sa panlabas na anyo, mukhang napakatapat nila, pero nang magpakita at magsimulang gumawa ang Panginoong Jesus, paano nila tinrato ang Panginoong Jesus? Nang makita ng mga Fariseo pinagaling ng Panginoong Jesus ang maysakit at pinalayas ang mga demonyo, na nagpapakita ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, talagang nilapastangan nila ang Panginoong Jesus sa paggamit sa hari ng mga demonyo para palayasin ang mga demonyo, at nagkasala sila sa paglapastangan sa Banal na Espiritu. Bukod diyan, sinubukan ng mataas na saserdote ang Panginoong Jesus, sa pagtatanong kung Siya ang Cristo. Nang sabihin ng Panginoong Jesus na, “Ako nga,” ginamit nila itong dahilan para paratangan ng kalapastanganan ang Panginoong Jesus. Ibinigay nila ang Panginoong Jesus sa gobyernong Romano. Mas gusto pa nilang palayain ang isang magnanakaw, maipako lang nila sa krus ang Panginoong Jesus. Alam ng lahat ng punong saserdote, eskriba, at Fariseong Judio na nagsalita ang Panginoong Jesus nang may awtoridad at kapangyarihan, pero hindi nila hinanap ang katotohanan kahit katiting, at hindi rin nila tinanggap ang katotohanan. Matigas ang ulo nilang kumapit sa mga batas at kautusan sa kasulatan, gamit ang liham ng mga kasulatan para tuligsain ang gawain ng Diyos. Hindi sila pinansin kung gaano karaming katotohanan ang ipinahayag ng Panginoong Jesus, o kung ilang himala at kababalaghan ang Kanyang isinagawa. Hangga’t hindi siya tinawag na Mesiyas, hibang nila Siyang tinuligsa at kinalaban, na determinadong ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Sapat ang mga pangyayaring ito para patunayan na ang likas na pagkatao at diwa ng mga Fariseo ay mga diyablong anticristo na galit sa katotohanan at sa Diyos. Sa mga huling araw, nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, na ipinapahayag ang katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao. Ang mabuting tupa at punong tupa ng iba’t ibang denominasyon ay nakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at kinikilala itong tinig ng Diyos, at bumaling na sa Makapangyarihang Diyos. Malinaw na nalalaman ng mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pawang katotohanan, at may awtoridad at kapangyarihan, pero hindi man lang nila hinahanap ang katotohanan. Sa halip ay ginugulo nila ang Biblia at sumisipi mula rito nang wala sa konteksto, na sinasabi na ang paglayo sa nakasaad sa Biblia ay pag-erehe, at na sinumang Panginoong Jesus na hindi bumababa sa ulap ay huwad. Ipinahayag din nila na anumang mensahe ng pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao ay erehe at maling doktrina. Hibang silang nagkakalat ng iba’t ibang tsismis at kamalian na tumutuligsa, naninira, umaatake, at lumalapastangan sa Makapangyarihang Diyos. Hinahadlangan nila ang mga tao sa anumang paraan sa paghanap at pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya tumatalikod ang mga taong hinirang ng Diyos sa pagdating ng Diyos. Alam ng mga pastor at elder na sila ang mga tupa ng Diyos, pero hindi nila ibinabalik ang mga ito sa Diyos. Sa halip, inangkin nila ang mga tupa ng Diyos, at layon nilang kontrolin at dominahin ang mga taong hinirang ng Diyos magpakailanman. Hindi ba ganito ang asal ng mga anticristo? Hindi ba ganitong kumilos ang mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon? Ang mas nakakagalit pa ay basta’t natuklasan nila na nagsisimba ang isang tao para ikalat ang balita at magpatotoo tungkol sa Makapangyarihang Diyos, binubugbog nila ito, inaabuso at hinahamak, at tumatawag pa sila ng pulis. Ipinapasa nila ang mga taong nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos sa makademonyong rehimeng CCP, sa walang-saysay na pag-asang ipagbawal ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa tulong ng masamang kapangyarihan ng CCP, para matupad ang masamang balak nilang kontrolin ang relihiyon sa China magpakailanman. Lubos nitong ibinubunyag ang likas na makademonyo nilang galit sa katotohanan at sa Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Huwag Kang Makialam

Sinundan:Tanong 4: Lahat ng pastor sa iba’t ibang relihiyon ay pamilyar sa Biblia. Madalas nilang ipaliwanag ang Biblia sa mga iglesia at purihin ang Biblia. Inakala natin palagi ay dapat silang maging mga tao na kilala ang Diyos. Kung gayo’y bakit kaya ang gawain ng Diyos na nagkatawang tao sa mga huling araw ay marahas na tinuligsa at nilabanan ng karamihan sa mga pastor sa iba’t ibang relihiyon? Naniniwala ako na hindi posibleng ang tunay na daan ang tinutuligsa ng karamihan sa mga pastor at pinuno ng iba’t ibang relihiyon!

Sumunod:Tanong 6: Ang CCP ay ateistang partido, isang grupong makademonyo na pinakamalupit sa Diyos at sa katotohanan. Ang demonyo ay ang pagsasatao ni Satanas. Ang muling pag-aanyong tao ni Satanas at ng masasamang espiritu ay demonyo, ang mga kalaban ng Diyos. Samakatwid, kapag ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao at gumagawa sa Tsina sa mga huling araw, ang baliw na pagpigil at pang-aapi sa Kanya ng gobyernong CCP, ay hindi maiiwasan. Ngunit ang karamihan sa mga pastor at elder sa mga relihiyon ay mga lingkod ng Diyos na maalam sa Biblia. Hindi lang sa hindi nila hinahanap at pinag-aaralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip sila’y humahatol, nagkokondena at galit na galit na kumakalaban. Hindi ito kapani-paniwala! kagulat na kinokondena ng gobyernong CCP ang gawain ng Diyos. Bakit kinakalaban at kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos?

Baka Gusto Mo Rin