Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?
Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente nang sila ang maghahari? Nang magpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, ginawa ng rehimeng Romano ang lahat para kalabanin at tuligsain Siya. Napakatatag na gobyerno, hindi ba ito winasak sa wakas ng salot na pinababa ng Diyos? Anumang klase ng mga puwersa sa mundo, basta’t kinakalaban nila ang Diyos at kumikilos sila laban sa Diyos, lahat sila ay wawasakin ng Diyos. Hindi natin maaaring tangkilikin ang katayuan at kapangyarihan, pati na ang masamang kapangyarihan dahil ang Diyos ang naghahari sa lahat. Sinumang kumalaban sa Diyos ay tiyak na mapapahamak! Bagama’t nakita na natin ang lubos na kasamaan ng CCP, hindi ibig sabihin ay nakita na natin ang likas na kademonyohan nito. Bakit baliw na baliw na kinakalaban at tinutuligsa ng CCP ang Diyos at sinasaktan ang mga taong hinirang ng Diyos? Sinabi ng Panginoong Jesus sa Biblia noong araw: “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19–20). Sabi rin sa Biblia: “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Bakit galit na galit na kinakalaban at tinutuligsa ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ang pangunahing dahilan ay takot na takot ang CCP na tanggapin at balikan ng mga Chinese ang Makapangyarihang Diyos. Takot na takot ang CCP na tanggapin ng mga tao sa lahat ng bansa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Takot na takot ang CCP sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na maipahayag at maikalat sa mundo, at na matupad ang kalooban ng Diyos sa lahat ng nasa lupa. Sapat nang mapatunayan na takot na takot ang CCP sa katotohanan at pagpapakita at gawain ng Diyos, takot na takot ito sa tunay na liwanag na nagpapakita para tanglawan ang sangkatauhan sa kadiliman, dahil alam na alam ng CCP na kapag ipinahayag ang salita ng Makapangyarihang Diyos, siguradong maraming tatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kaya nga baliw na baliw na sinusupil at pinahihirapan ng CCP ang lahat ng sumusunod sa Makapangyarihang Diyos. Napakasama ng mga ginagawa ng CCP laban sa Langit, ito ang kaaway ng Diyos, ng katotohanan at ng katarungan! Matagal n’yo nang ipinagtatanggol ang CCP, pinapanigan n’yo ito sa pagkalaban sa Diyos at pagpapahirap sa mga taong hinirang ng Diyos. Napakalaking kasalanan n’yan sa disposisyon ng Diyos! Nakatakda itong maparusahan! Lahat ng kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos ay tiyak na mapupuksa at mapupunta sa impiyerno!
mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay