92 Makapangyarihang Diyos, ang Kaibig-ibig na Minamahal

1 Sino ang kataas-taasan at kagalang-galang, na bumaba nang may kababang-loob sa pinakamababang lugar para iligtas ang sangkatauhan? Sino ang nakaagapay na nakikipag-usap sa tao, na ang bawat salita ay katotohanan? O, ang mahal nating Makapangyarihang Diyos, ang pinakakaibig-ibig nating minamahal! Nagsasalita Ka at gumagawa kasama namin, pinangungunahan kami patungo sa Kapanahunan ng Kaharian. Sumasalo Ka sa amin sa pagkain, nananatiling kasama namin, at namumuhay kasama namin. Kasama Ka namin araw at gabi. Ang mga salita Mo ang nagwawaksi sa aming mga maling palagay, at lalo kaming lumalapit sa Iyo. Ang kababaang-loob Mo at pagiging tago ay talagang kaibig-ibig at ang disposisyon Mo ay maganda at mabuti, pinaparamdam ang kahihiyan sa walang kabuluhan at mapagmataas na sangkatauhan, na walang masusuungan. Napakaraming bagay ang kaibig-ibig sa Iyo—ang mga puso namin ay nag-uumapaw sa pag-ibig at paghanga sa Iyo.

2 Sino ang nagbibigay ng buo Niyang pag-ibig sa sangkatauhan at nakatikim ng pagiging salawahan ng tao? Sino ang nagpapakahirap nang husto araw at gabi alang-alang sa sangkatauhan at taon-taong nagsasagawa ng Kanyang gawain sa gitna ng lahat ng kahirapan? O, ang mahal nating Makapangyarihang Diyos, ang pinakakaibig-ibig nating minamahal! Dumanas Ka nang ganoong kahihiyan, paninirang-puri at kalapastanganan, napakaraming usap-usapan at mga paghatol, gayunpaman ang pagnanasa Mong ipahayag ang mga salita Mo at iligtas ang sangkatauhan ay hindi nagbago kailanman. Maraming gabing nagpabiling-biling Ka sa higaan, hindi makatulog, nag-aalala tungkol sa amin at nagmamalasakit bawat sandali para sa amin. Tinatalikuran ang pagtulog at kinakalimutan ang pagkain, ginagawa Mo ang lahat para sa amin, hindi inaalintana ang sarili Mong pagdurusa. Ang bawat hakbang ng paglago namin ay binili sa halaga ng dugo ng puso Mo. Napakaraming bagay ang kaibig-ibig sa Iyo—ang mga puso namin ay nag-uumapaw sa pag-ibig at paghanga sa Iyo.

3 Sino ang nagbibigay ng lahat Niya para iligtas ang sangkatauhan mula sa madidilim na puwersa? Sino ang nagpapahayag ng milyon-milyong mga salita upang hatulan at iligtas ang sangkatauhan? O, ang mahal nating Makapangyarihang Diyos, ang pinakakaibig-ibig nating minamahal! Naririyan Ka lagi, nag-aalala tungkol sa aming kabulukan, nababahala sa aming kahinaan. Ang lahat ng Iyong paghatol, mga paghahayag, pagtutuwid, at pagdidisiplina ay upang linisin kami. Kapag dumaranas kami ng pagpipino at sakit, ang pag-ibig Mo ay sumasa-amin, at ang mga salita Mo ang nagbibigay-ginhawa at patnubay sa amin. Ang muli’t muling pagdanas ng paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagdisiplina ay itinutulot kaming magbago. Na makakamit namin ngayon ang pagpapadalisay ay lubos na salamat sa Iyong pag-ibig at kaligtasan. Napakaraming bagay ang kaibig-ibig sa Iyo—ang mga puso namin ay nag-uumapaw sa pag-ibig at paghanga sa Iyo.

Sinundan: 90 Ang Pagmamahal ng Diyos ang Pinakatunay

Sumunod: 93 Bakit Napakahirap Hanapin ang Tunay na Pag-ibig sa Lupa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito