262 Narinig Mo na Bang Maghinagpis ang Makapangyarihan sa Lahat?
I
Isang tala sa umaga, sumisikat sa Silangan.
Ito’y bagong bituing nagliliwanag
sa tahimik na langit,
pinagniningas ang napawing liwanag
sa puso ng mga tao.
Kaya’t sila’y ‘di na nag-iisa o nasa dilim.
Ngunit tanging ikaw lang ang natutulog sa gabi,
‘di mo marinig ang tunog o makita ang liwanag,
‘di mamalayan ang pagsisimula ng isang bagay—
ang pagdating ng bagong kapanahunan,
langit at lupa.
Dahil sabi ng ‘yong “ama”
ay maaga pa’t malamig sa labas,
kung ika’y lalabas,
tatagos sa ‘yong mata ang espada.
Naniniwala ka lang
sa mga pangaral ng iyong ama,
dahil siya’y nakatatanda
at tunay na mahal ka niya.
II
Gayong pag-ibig at pangaral ay nag-uudyok sa ‘yong
‘wag maniwalang may liwanag.
Wala kang pakialam
kung may katotohanan sa mundo.
Ni umasang ang Makapangyarihan sa lahat
ay ililigtas ka,
o umasang makita’ng liwanag,
kuntento sa kasalukuyang kalagayan.
Sa mga mata mo, magagandang bagay
ay ‘di maaaring umiral;
ang bukas at kinabukasan ng tao’y naglalaho.
Mahigpit ang kapit mo sa ‘yong ama,
handang magdusa kasama siya,
sa takot na mawalan ng kasama’t
direksyon sa paglalakbay.
Makulimlim at malawak na mundong ito’y
nakagawa ng maraming tulad mo,
matatag at walang takot sa pagganap
sa iba’t ibang gampanin.
Ito’y lumikha ng maraming “mandirigma”
na ‘di takot mamatay,
maraming manhid na tao
na ‘di alam kung ba’t sila nilikha.
III
Tinitingnan ng Diyos ang tao
na lubhang nahihirapan.
Dinig Niya ang panaghoy ng mga nagdurusa;
nakikita Niya’ng kawalanghiyaan nila,
ramdam ang kawalang magagawa nila,
ramdam ang takot sa kawalan ng kaligtasan.
Tumatanggi ang tao sa malasakit ng Diyos,
nagpapatuloy sa sariling landas nila.
Mas nanaisin pa nilang tikman
ang mapait na dagat.
Hinagpis ng Diyos ay ‘di maririnig,
mga kamay Niya ngayo’y
ayaw nang haplusin ang tao.
Paulit-ulit Siyang nagkakamit at nawawalan muli,
tapos, Siya’y napapagod
kaya tinitigil Niya’ng gawain Niya.
Siya’y ‘di na naglilibot sa mga tao.
‘Di nila nakikita ang mga pagbabagong ito,
ang Kanyang pagdating at pag-alis,
o ang malalim Niyang kalungkutan;
hinagpis ng Diyos, (ooh) hinagpis ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat