90 Ang Pagmamahal ng Diyos ang Pinakatunay

1 May isang Anak ng tao; nanggaling Siya sa langit. Upang iligtas ang sangkatauhan, nagkukubli Siya sa hamak at di-kilalang anyo ng laman. Ipinapahayag Niya ang katotohanan, hinahatulan at nililinis ang tao; Nagkakaloob ang Kanyang mga salita para sa mga tao, at ipinagkakaloob sa kanila ang daan ng buhay na walang-hanggan. Ibinuhos Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap sa kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan. Inaalis ng Kanyang mahigpit na paghatol ang makasalanang kalikasan ng tao. Makatuwiran, banal, at punong-puno ng pagmamahal at pagkahabag ang Kanyang disposisyon. Nagbayad Siyang lubos nang sa gayon ay malinis ang tao. Ang lahat ng Kanyang mga salita ay katotohanan, at pinagkalooban nito ang tao ng landas sa kaligtasan.

2 Ang pinakamamahal ko ay labis na kaibig-ibig, at may napakabuting puso: Nagsisikap ang Kanyang puso, metikulosong pinakakain at dinidiligan ang tao. Gumagawa upang mailigtas ang sangkatauhan, nagtatrabaho Siya araw at gabi, nakikibahagi sa matitinding pagdurusa ng mga tao, at inaakay sila upang magapi si Satanas. Puspos ng matinding galit at kamaharlikahan ang Kanyang makatuwirang paghatol; Nakikipaglaban Siya sa malaking pulang dragon, nang walang pinapangambahan upang mailigtas ang lahat ng tao. Nilulupig Niya ang lahat ng nagbabantang puwersa, na nagpapakita ng Kanyang awtoridad. At ginagamit Niya ang serbisyo ni Satanas upang makabuo ng grupo ng mga nagsisipagtagumpay. Lubusan Niyang tinalo si Satanas, at natamo ang ganap na kaluwalhatian.

3 Pinakamamahal ko, labis Kang kaibig-ibig, at napamangha Mo ako: Naaantig ng Iyong mga totoong sakripisyo ang aking puso. Ang pinakamamahal ng puso ko, oras na upang umalis Ka: Kailan tayo muling magkikita? Kailan tayo muling magtatagpo? Humihikayat ng paggalang sa kaibuturan ko ang Iyong pagiging matuwid at kabanalan; Walang-humpay kong pinakaiingatan ang Iyong dalisay at walang dungis na pagmamahal. Lagi kong aalalahanin ang Iyong tagubilin, at tutuparin ang aking tungkulin upang malugod Ka; Bibigyan Kita ng kaaliwan, at pagsisikapang matugunan ang Iyong mga inaasahan. Gagawin ko ang Iyong kalooban, mamahalin Ka at patototohanan Ka hanggang sa magpasawalang-hanggan!

Sinundan: 89 Ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos ay Palaging Nasa Loob ng Puso Ko

Sumunod: 92 Makapangyarihang Diyos, ang Kaibig-ibig na Minamahal

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger