93 Bakit Napakahirap Hanapin ang Tunay na Pag-ibig sa Lupa
I
Kay tagal ko nang hangad na makita Ka, o Diyos.
Ayoko nang mawalay pa sa Iyo.
Ikaw ang aking Maylikha,
ngunit ngayon di na tayo laging magkasama.
Tinitiis Mo ang matinding kahihiyan
upang iligtas ang tiwaling tao.
Sino’ng makakaunawa?
Naglakbay Ka na sa daan ng dugo at luha,
tinitiis ang pagdurusa nang mahabang panahon.
Ibinuhos Mo na ang lahat ng pag-ibig Mo sa amin.
Nakikibahagi Ka sa paghihirap ng tao,
ngunit tinitiis ang pag-iisa at pinabayaan.
Sinong kakalinga sa Iyong puso?
Bawat tawag at bawat araw ng pag-asam.
Ibinibigay Mo ang lahat
upang makamtan ang pag-ibig ng tao.
Ngunit walang sinuman
ang makapagbigay sa iyo ng kaginhawahan.
Bakit napakahirap hanapin
ang tunay na pag-ibig sa lupa?
II
Nagpapatirapa sa harap Mo,
puno ako ng kalungkutan,
labis ang pagsisisi at paghingi ng tawad.
Pinagsisisihan ko ang aking nagawa.
Kinasusuklaman ko ang di pagkalinga sa iyong puso.
Lahat ng kasamaan ko’y iniiwan Kang bigo.
Paano ako makababawi sa aking mga pagkakamali?
Bawat tawag at bawat araw ng pag-asam.
Ibinibigay Mo ang lahat
upang makamtan ang pag-ibig ng tao.
Ngunit walang sinuman
ang makapagbigay sa iyo ng kaginhawahan.
Bakit napakahirap hanapin ang tunay na pag-ibig?
Bawat tawag at bawat araw ng pag-asam.
Ibinibigay Mo ang lahat
upang makamtan ang pag-ibig ng tao.
Ngunit walang sinuman
ang makapagbigay sa iyo ng kaginhawahan.
Bakit napakahirap hanapin
ang tunay na pag-ibig sa lupa?
III
Ang katotohanang ipinahahayag Mo
ang nagliligtas sa sangkatauhan,
nag-iiwan ng nagliliyab na pag-ibig sa mundo.
Ang ipinagkatiwala Mo sa akin
ay nakaukit sa kaibuturan ng puso ko.
Wala na akong ibang hinahangad
kundi ang maging tapat sa Iyo magpakailanman.