886 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Hindi Taglay ng Anumang Nilalang
I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas
na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit
sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono at paraan
ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.
II
Nagpapagal ang Diyos para sa atin;
para sa atin, hindi Siya makatulog o makakain;
para sa atin, Siya’y umiiyak at naghihinagpis;
para sa atin, Siya’y dumadaing sa sakit.
Siya’y dumaranas ng hiya para sa kapakanan ng
ating hantungan at kaligtasan,
at ang puso Niya’y lumuluha at nagdurugo
para sa pagiging suwail at manhid natin.
III
Wala sa mga ordinaryong tao
ang gayong katangian at mga ari-arian Niya.
Gayundin, sinuman sa masasamang tao
ay hindi mataglay o makamit ang mga ito.
Ang Kanyang pagpapaubaya
at pagtitiis ay lampas sa mga ordinaryong tao,
at ang pag-ibig Niya ay hindi taglay
ng anumang nilalang.
Ang pag-ibig Niya ay hindi taglay
ng anumang nilalang.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo