Tanong 3: Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos at ang bumalik na Panginoong Jesus. Pero sa South Korea, may mga taong nagpapanggap bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus. May mga sinabi rin silang mga salita at naisulat na mga libro. Nagkaroon din ng mga tagasunod ang iba. Gusto kong pakinggan ang masasabi mo sa kung paano makikilala ang mga salita nitong mga huwad na Cristo.

Sagot: Mahalagang malaman kung paano makikilala ang totoong Cristo at mga huwad na Cristo para tuluyang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon dito sa lupa. Tanging ang mga nakakikilala lamang sa totoong Cristo at mga huwad na Cristo ang makatatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw at madadala sa harapan ng Kanyang Trono. Ang mga hindi nakakikilala sa totoong Cristo at huwad na Cristo ay mga hangal na dalaga at sa huli, iiwan at aalisin ng Diyos. Ang susi sa pagkilala sa mga huwad na Cristo ay ang intindihin ang diwa nila. Sinasaniban ang mga huwad na Cristo ng masasamang espiritu, kaya masasamang espiritu sila. Walang kahit anong realidad ang katotohanan ng mga huwad na Cristo. Mga kasinungalingan, kalokohan, mga salitang kasinsayan, mga salitang bumabaliktad sa itim at puti ang lahat ng mga salita nila. Alam nilang sinasamba ng lahat ng tao ang kaalaman tungkol sa Biblia at gustong maintindihan ang mga misteryo nito kaya sinasamantala nila ang ganitong pag-iisip para bigyan ng ibang kahulugan ang Biblia at gamitin ang lahat ng klase ng kakaibang pananalita at walang katotohanang pangangatuwiran para linlangin ang mga tao. Talagang kakaiba at bago ang mga kasinsayan nila, na para bang napakalalim at misteryoso ang mga paliwanag nila sa Biblia. Mapapatunayan ba nito na katotohanan ang mga salita nila? Kung ganoon, ano ang katotohanan? Ang katotohanan ay ang Diyos at siya lamang. Ito ang realidad ng lahat ng positibong bagay na naglalarawan sa disposisyon ng Diyos. Maipapakilala ng katotohanan ang Diyos sa mga tao at pwede nilang maging buhay ito. Pwede nitong iligtas, linisin, baguhin at gawing perpekto ang mga tao. Ipinapaliwanag ng mga huwad na Cristo ang Biblia gamit ang kakaibang salita at mga walang katotohanang pangangatuwiran paano ’yan magiging katotohanan? Maiaayos at mababago ba nito ang mga tao? Magagawa ba nitong makilala ng mga tao at sumunod sila sa Diyos? Magagawa ba nitong makilala at kamuhian ng mga tao si Satanas? Mapapalaya ba nito ang mga tao sa mga maitim na impluwensiya ni Satanas? Kung hindi mapapalago ng mga salita nila ang mga buhay ng mga tao sa mundo, kung gayon itinuturing ang mga ito na mga kasinsayan, mga heresiya, at kasinungalingan. Praktikal ang gawain ng Diyos. Sinasabi ng nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang lahat ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Makikilala ng mga tao ang Diyos at mapapalaya ang mga tao sa impluwensiya ni Satanas para makamit ang kaligtasan, maging mga taong sumusunod at sumasamba sa Makapangyarihang Diyos at magkakaroon ng makabuluhang buhay ang mga tao bilang totoong tao. Ito ang tunay at mabuting gawain ng Diyos. Kung totoong si Cristo, ang Diyos na nagkatawang-tao ang pinaniniwalaan ng mga tao sa ating mundo Mauunawaan nila ang katotohanan paglipas ng 8 hanggang 10 taon. Dapat unti-unting madaragdagan ang paniniwala, pagmamahal, at pagsunod nila sa Diyos, at magkaroon ng ilang pagbabago ang disposisyon nila sa buhay. Ang mga ganitong epekto lang ang makapagpapatunay na si Cristo at ang totoong Diyos ang pinaniniwalaan ng tao. Maraming tao ang naniwala sa mga huwad na Cristo nang 8 o 10 taon at hindi nakatanggap ng kahit anong katotohanan, wala silang tunay na kaalaman sa totoong Diyos, at higit pa riyan, wala silang paniniwala, walang pagmamahal at walang pagsunod sa Diyos. Hindi ba’t nadaya at nalinlang na ang mga ganoong tao?

Walang katotohanan ang mga masasamang huwad na Cristo at talagang hindi magagawa ang gawain ng Diyos. Inilalarawan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang disposisyon at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Hindi masasabi o magagaya ng sinumang huwad na Cristo o masasamang espiritu ang mga ito. Umaasa lang ang mga huwad na Cristo sa pagbibigay ng ibang kahulugan ng Biblia para manlinlang ng mga tao, o magpanggap na pangalan ng Panginoong Jesus para magsabi ng ilang salita na nagbebenedisyon sa mga tao at nangangako sa mga tao, pero walang pakinabang ang mga ito sa pagpasok ng mga tao sa buhay at hindi makagagawa ng mga bagong landas at hindi makapagbubukas ng bagong panahon. Hindi magtatagal ang lahat ng gawain ng mga huwad na Cristo at masasamang espiritu. Sa kalaunan, babagsak din ito nang malakas at kusang masisira pagdating ng panahon. Yan ang totoo. Tanging ang nanggaling lamang sa Diyos ang lalago at makatatagal. Kayang makamit ng totoong gawain ni Cristo ang pagliligtas at pagpeperpekto sa tao, at kayang ipatupad ang kalooban ng Diyos at simulan at tapusin ang mga panahon. Sigurado ito, dahil makapangyarihan ang Diyos. Habangbuhay ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos. Mawawala ang langit at lupa, ngunit hindi kailanman mawawala ang mga salita ng Diyos!

mula sa iskrip ng pelikulang Sino Siya na Nagbalik

Sinundan: Tanong 2: May ilang kaso ng panlilinlang ng mga huwad na Cristo sa mga tao sa mga ibang bansa. Maraming tao sa Korea ang hindi nakakaunawa, kaya nalilinlang silang sumunod sa mga huwad na Cristo. Tumutupad ito sa sabi nga: “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Naniniwala ako na huwad ang nagsasabing bumalik na ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao. Huwag tayong maniwala. Niloloko lang tayo.

Sumunod: Tanong 4: Tungkol sa sinabi mo na paggamit ng mga huwad na Cristo sa Biblia at pagpapakita ng mga palatandaan at kababalaghan para linlangin ang mga tao, naiintindihan ko na ito ngayon. Pero meron pa rin akong gustong itanong. Sinasabi ng ilang huwad na Cristo na bumaba sa kanila ang Espiritu ng Diyos. Nagpapanggap na sila ang nagbalik na Panginoong Jesus at nililinlang ang ilang tao. Paano natin makikilala ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito