Tanong 2: Kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, papa’no niyo ’yon patutunayan? Nananalig tayo sa Panginoong Jesus dahil may kakayahan Siyang iligtas tayo, pero ano ang patunay niyong ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan?
Sagot: Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para malaman natin ang sinasabi Niya. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang pinakasaligang prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa daang ito, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag o hindi ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at ano ang maidudulot nito sa iyo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).
“Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
Mga kapatid, basta’t ’yan ang tunay na daan, personal na ginawa ’yan ng Diyos. Dahil gawain niya ’yan mismo, tiyak na pagpapahayag ’yan ng katotohanan at gawain ng Banal na Espiritu. Nakita nating ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan at ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos na nagkatawang-tao dahil dumating ang Makapangyarihang Diyos at nagpahayag ng maraming aspeto ng katotohanan at hinatulan at nilinis ang sangkatauhan, at tinutupad ang plano ng Diyos na linisin at iligtas ang tao sa mga huling araw.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).
Ang Makapangyarihang Diyos ay humahatol at naglilinis ng sangkatauhan, pinapahayag Niya’ng katotohanang kailangan para magkamit ang tao ng kaalaman at pagliligtas ng DIyos, at binubuksan ang hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos. Ang layon ng anim na libong taong plano ng Diyos, ang prinsipyo Niya at ang kwento ng Kanyang tatlong-yugtong gawain, ang hiwaga at kahulugan ng Diyos na naging tao, kung pa’no naging ganito ngayon ang sangkatauhan at ang ating kahahantungan, ang katotohanan ng Biblia, kahulugan ng ngalan ng Diyos at iba pa, yon ay mga hiwagang hindi maarok ng sangkatauhan. Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na naglalantad sa kasamaan ng sangkatauhan at kung ba’t sila naging tiwali. Kaya alam ng tao ang kasamaan nila gaya ng kayabangan, kasakiman, at kasuklam-suklam na ugali sa gitna ng paghatol ng Diyos. At nauunawaan ng tao ang katotohanan, may pag-unawa sila sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at may pusong gumagalang sa DIyos. Ang disposisyon nila sa buhay ay nagbagong lahat sa iba’t ibang antas at unti-unti silang tumigil na magkasala sa araw at magtapat ng sala sa gabi. Pinatutunayan niyan na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan at na ang salita Niya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay may awtoridad at kapangyarihan, at malilinis at maililigtas ang tao. Kung hindi, maliban sa Diyos, sino’ng makakatulong sa tao’ng kumawala sa kasalanan? Maliban sa Diyos, sino’ng makakapagbukas sa hiwagang libu-libong taong nakatago?
Ang Diyos lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Siya lang ang makakapagbigay sa tao ng buhay na walang hanggan. Sa pagtanggap lang sa ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw natin matatamo ang kaligtasan. Tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos Mismo ay buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Yaong mga walang kakayahang makamit ang katotohanan ay hindi kailanman makakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at paglaan ng katotohanan, ang tanging makakamit mo lamang ay mga titik, mga doktrina, at, higit sa lahat, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon hindi mo makakamit ang pagkandili ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guni-guni at mga kuru-kuro, magiging walang iba ang kabuuan ng katawan mo kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Alamin mong hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring sambahin na katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga salitang sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan ang mga tuntunin ng mga nakalipas na panahon. Tanging ang mga inihahayag lamang ng Diyos kapag pumarito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ay ang katotohanan, ang buhay, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
“Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagliligtas Niya sa sangkatauhan sa mga huling araw. Yon lang ang landas tungo sa pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Sabi sa Kasulatan, ang nagmumula sa Diyos ay madaragdagan, ang sa tao ay mababawasan. Mahigit dalawampung taon na ngayon mula nang simulan ng Makapangyarihang Diyos ang gawain Niya. Sa kabila ng matinding pagkalaban at pagsugpo ng CCP at ng lahat ng relihiyon, hindi mapigilan ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Kaya ngayon, hindi lang sa buong Mainland China laganap ’to kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Talagang lumalaganap na ito ngayon sa lahat ng mga rehiyon at bansa. Ang katotohanang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kabila ng pang-aapi ay patunay ng gawain ng Espiritu Santo na pinatutunayan na “lalago yaong nagmumula sa Diyos,” at ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan.
mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag