296 Walang Puso ang Mas Mabuti Kaysa sa Puso ng Diyos
I
Dahil napili kong mahalin ang Diyos,
susunod ako anuman ang kunin Niya sa ‘kin.
Kahit medyo nalulungkot,
‘di ako nagrereklamo.
Sa tiwaling disposisyon,
tao’y nararapat sa paghatol.
Salita ng Diyos ang katotohanan;
kalooban Niya’y ‘wag ipagkamali.
Sa pagninilay, madalas kong makita
ang karumihan;
kung ‘di ko hangad ang katotohanan,
‘di mababago’ng disposisyon ko.
Marami mang paghihirap,
karangalang tamasahin ang pag-ibig ng Diyos.
Natutunan ko’ng pagpapasakop.
Walang puso’ng mas mabuti kaysa sa Diyos.
II
Sa araw at gabing kasama ang Diyos,
nakikilala kong kaibig-ibig Siya.
Sa mga salita Niya, kita ko’ng katunayan
ng katiwalian ko.
Sa pagsusuri ng Diyos,
ibinubunyag na ako’y suwail.
Bukas ako sa pakikipagniig,
at nakakamit ang pag-unawa ng katotohanan.
Nangangamba akong malabag
ang disposisyon ng Diyos.
Sabi ko sa sarili na ‘wag nang maghimagsik
at bigyan Siya ng pasakit.
Narumihan ng mga ideya ko
ang pagmamahal ko sa Diyos.
Dapat magsikap akong makamit
ang diwang tulad ng kay Pedro.
Anuman ang tingin ng Diyos sa pag-ibig ko,
ang nais ko lamang ay ang mapalugod Siya.
Marami mang paghihirap,
karangalang tamasahin ang pag-ibig ng Diyos.
Natutunan ko’ng pagpapasakop.
Walang puso’ng mas mabuti kaysa sa Diyos.
Natutunan ko’ng pagpapasakop.
Walang puso’ng mas mabuti kaysa sa Diyos.