298 Sino ang Nakakaunawa sa Pagdadalamhati ng Diyos?
1 Upang iligtas ang sangkatauhan, naging tao ang Diyos at tiniis ang lubos na kahihiyan. Ipinahahayag Niya ang katotohanan at ibinibigay ang lahat ng Kanyang makakaya upang mapagkalooban ng buhay ang sangkatauhan. Ang Kanyang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ay lahat para dalisayin ang mga tao. Taksil, makasarili, at masama ang puso ng tao; puno ng pag-iingat at maling pagkakaunawa tungkol sa Diyos ang mga tao. Taon kada taon, araw kada araw, naghihintay nang may lubos na pagtitiyaga ang Diyos para sa mga tao na magbago. May nakakaunawa ba sa pagdadalamhati ng Diyos?
2 Naniniwala lamang ang mga tao sa Diyos upang makapagkamit ng mga pagpapala; hindi nila hinahanap ang katotohanan. Matimtiman nilang hinahangad ang katanyagan at kayamanan, umaasa pa rin ng Kanyang pagsang-ayon. Iniisip lamang nila ang kanilang mga pagkakataon at hantungan, hindi kailanman isinasaisip ang Kanyang kalooban. Naghihintay ang Diyos sa pagsisisi ng mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Habang nakikita ang Kanyang kalungkutan, nakakaramdam ako ng pagsisisi; Napakalalim ng pag-ibig ng Diyos para sa akin—kaya bakit hindi ko Siya minamahal? Determinado akong tuparin ang isang hangarin: ang ihandog ang aking tunay na pagmamahal, ang suklian ang Diyos para sa Kanyang pag-ibig, at paginhawahin Siya.