8. Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang kapanahunan ng pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan na sakop ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo’y magsilakad sa liwanag ni Jehova” (Isaias 2:2–5).

“Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa” (Pahayag 11:17–18).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya. Dumating Siya una sa lahat para ipahayag ang Kanyang mga salita, gumamit Siya ng mga salita para gawing perpekto ang tao, tanglawan at liwanagan ang tao, at alisan ng puwang ang malabong Diyos sa puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawaing ginawa ni Jesus nang Siya ay pumarito. Nang pumarito si Jesus, nagsagawa Siya ng maraming himala, pinagaling Niya ang mga maysakit at pinalayas ang mga demonyo, at ginawa Niya ang gawain ng pagtubos na magpapako sa krus. Bunga nito, sa mga haka-haka ng mga tao, naniniwala sila na ganito dapat ang Diyos. Sapagkat nang pumarito si Jesus, hindi Niya ginawa ang gawaing tanggalin ang larawan ng malabong Diyos sa puso ng tao; nang pumarito Siya, ipinako Siya sa krus, pinagaling Niya ang mga maysakit at pinalayas ang mga demonyo, at ipinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, inaalisan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ang puwang na hawak ng malabong Diyos sa mga haka-haka ng tao, kaya wala na ang larawan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawain, ang Kanyang paggalaw sa lahat ng lupain, at ang natatanging tunay at normal na gawaing ginagawa Niya sa tao, ipinapaalam Niya sa tao ang realidad ng Diyos, at inaalisan ng puwang ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa isa pang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salitang ipinahayag ng Kanyang katawang-tao para gawing ganap ang tao, at maisakatuparan ang lahat ng bagay. Ito ang gawaing isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw.

mula sa “Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pagparito sa tao ngayon, ang layunin ng Diyos ay walang iba kundi baguhin ang mga iniisip at espiritu ng mga tao, pati na ang larawan ng Diyos sa kanilang puso na milyun-milyong taon na nilang taglay sa kanilang puso. Gagamitin Niya ang pagkakataong ito upang gawing perpekto ang tao. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao, babaguhin Niya ang paraan ng pagkilala ng mga tao sa Kanya at ang kanilang saloobin sa Kanya, na magbibigay ng kakayahan sa tao na gumawa ng isang matagumpay na bagong simula sa pagkilala sa Diyos, at magkamit ng paninibago at pagbabago ng espiritu ng tao. Pakikitungo at pagdidisiplina ang mga paraan, samantalang ang paglupig at pagpapanibago ang mga layunin. Ang pagwawaksi sa mapamahiing mga kaisipang taglay ng tao tungkol sa malabong Diyos ang layon ng Diyos noon pa man, at nitong huli ay naging isa ring agarang bagay para sa Kanya. Sana’y pag-isipan pang mabuti ng lahat ng tao ang mangyayari sa sitwasyong ito sa hinaharap.

mula sa “Gawain at Pagpasok 7” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon lamang, na personal Akong pumaparito sa tao at binibigkas ang Aking mga salita, nagkaroon ng kaunting kaalaman ang tao tungkol sa Akin, na nag-aalis sa puwang na sakop “Ko” sa kanilang isipan, at sa halip ay lumilikha ng isang puwang para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga kuru-kuro at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi magnanais na makita ang Diyos? Sino ang hindi magnanasang makaharap ang Diyos? Subalit ang tanging sumasakop sa isang tiyak na puwang sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap unawain. Sino ang makatatanto nito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang tunay na maniniwala, nang may katiyakan at walang bahid ng pagdududa, na Ako ay talagang umiiral? May malaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ng “Ako” ng realidad, at walang sinumang may kakayahang ikumpara ang mga ito. Kung hindi Ako naging tao, hindi Ako kailanman makikilala ng tao, at kahit nakilala niya Ako, hindi ba isang kuru-kuro pa rin ang gayong pagkakilala? …

… Dahil natukso at nagawang tiwali na ni Satanas ang tao, dahil nadala na siya sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at pag-iisip, naging tao Ako upang personal na lupigin ang buong sangkatauhan, upang ilantad ang lahat ng kuru-kuro ng tao, at upang basagin ang iniisip ng tao. Dahil dito, hindi na muling nagmamalaki ang tao sa Aking harapan, at hindi na muling naglilingkod sa Akin gamit ang sarili niyang mga kuru-kuro, at sa gayon ay ganap nang naiwaksi ang “Ako” sa mga kuru-kuro ng tao.

mula sa “Kabanata 11” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga mithiing hahangarin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng katawang-tao ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kinakailangang makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos, at dahil hinihinging alisin nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga larawan ng malalabong Diyos, mabibigo siyang makamit ang wastong epekto. Hindi mailalantad, maitatakwil, o ganap na mapapaalis ng mga salita lamang ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao. Sa huli, hindi pa rin posibleng iwaksi sa paggawa nito ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na epekto kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng tunay na larawan ng Diyos ang malalabo at di-pangkaraniwang mga bagay na ito, at mahikayat ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito. Kinikilala ng tao na malabo at hindi pangkaraniwan ang Diyos na kanyang hinangad ng mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng epektong ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang partikular na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain, sapagkat ang pagiging normal at ang realidad ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang kabaligtaran ng malabo at di-pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Maihahayag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maihahayag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang realidad bilang panghambing, hindi maihahayag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang iba pa ang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipakikita ang Kanyang larawan at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang epekto na ito ng sinumang tao na nilikha sa laman. Mangyari pa, wala ring kakayahan ang Espiritu ng Diyos na makamit ang epektong ito.

mula sa “Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa piling ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan na ang Diyos ay namumuhay at kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sila sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan bagkus ay sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, at palagi siyang maniniwala sa isang malabong Diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, o hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.

mula sa “Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang pasimulan ang bagong kapanahunan, baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa, at gawin ang gawain ng buong kapanahunan. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay naging tao para magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, upang tunay na makita ng tao ang Diyos, na Siyang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, at mamasdan ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha. Ang gayong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao, na siyang tunay na kahulugan ng paggamit ng mga salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang nararapat pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng mga salita, ang kabuuan ng gawaing nais gawin ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, ang mga tao ay inilalantad, inaalis, at sinusubukan. Nakita na ng mga tao ang mga salita ng Diyos, narinig ang mga salitang ito, at kinilala ang pag-iral ng mga salitang ito. Dahil dito, naniwala na sila sa pag-iral ng Diyos, sa walang-hanggang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos sa tao at sa Kanyang hangaring iligtas ang tao. Ang salitang “mga salita” ay maaaring simple at ordinaryo, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob, binabago ng mga ito ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng ngayon ang nakagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at pumaparito upang iligtas ang tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, na inaakay at tinutustusan ng Kanyang mga salita. Nabubuhay ang mga tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at mas marami pang taong nagsimulang mabuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, ginagabayan Niya ang mga tao sa buong sansinukob gamit ang mga salita, at nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita. Sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala.

mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, kapag Kanyang personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, ang lahat ng gawain na Kanyang ginagawa ay upang talunin si Satanas, at tatalunin Niya si Satanas sa pamamagitan ng paglupig sa tao at ginagawa kayong ganap. Kapag kayo ay matunog na nagpapatotoo, ito, rin, ay magiging palatandaan ng pagkatalo ni Satanas. Sa una ang tao ay nilulupig at sa kahuli-hulihan ay lubos na ginagawang perpekto upang talunin si Satanas. Sa diwa, gayunpaman, kasabay ng pagkatalo ni Satanas, ito rin ang pagliligtas ng buong sangkatauhan mula rito sa salat-sa-tubig na dagat ng dalamhati. Isinasakatuparan man ang gawaing ito sa buong sansinukob o sa Tsina, itong lahat ay upang talunin si Satanas at dalhin ang kaligtasan sa kabuuan ng sangkatauhan nang sa gayon ay maaaring pumasok ang tao sa dako ng kapahingahan. Ang nagkatawang-taong Diyos, itong normal na katawang-tao, ay talagang para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay ginagamit upang magdala ng kaligtasan sa lahat niyaong nasa ilalim ng langit na umiibig sa Diyos, ito ay para sa kapakanan ng panlulupig sa buong sangkatauhan, at, higit pa rito, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang ubod ng buong gawaing pamamahala ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa pagkatalo ni Satanas upang dalhin ang kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan.

mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang diwa ng pagliligtas sa tao ay ang digmaan laban kay Satanas, at ang digmaang ito ay unang-unang nasasalamin sa pagliligtas sa tao. Ang yugto ng mga huling araw, kung saan malulupig ang tao, ay ang huling yugto sa pakikipagdigma kay Satanas, at ito rin ang gawain ng ganap na pagliligtas sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng pagsasakatawan ni Satanas—ang tao na nagawang tiwali ni Satanas—sa Lumikha kasunod ng paglupig sa kanya, kung saan sa pamamagitan nito ay tatalikdan niya si Satanas at lubusang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa digmaan laban kay Satanas at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawaing ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa kahuli-hulihan ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makakalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi matatapos bago ang pakikipagdigma kay Satanas ay natatapos, sapagkat ang ubod ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng pagliligtas sa tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay naigapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang puhunan na ginagamit ng Diyos upang isakatuparan ang buong pamamahala, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang maagaw siya mula sa mga kamay ni Satanas, ibig sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos ng pagkabihag ni Satanas. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao, mga pagbabagong magpapanumbalik sa orihinal na katinuan at katwiran ng tao. Sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaagaw pang muli mula sa mga kamay ni Satanas. Kung napapalaya ang tao mula sa impluwensya at pagkagapos ni Satanas, sa gayon ay mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng kabuoang labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanan, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makukumpleto na.

mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Habang nagaganap ang Aking mga salita, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting bumabalik sa normalidad ang tao, at sa gayon ay naitatatag sa lupa ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng lahat ng tao ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod ng tagsibol, kung saan tumatagal nang buong taon ang tagsibol. Hindi na nahaharap ang mga tao sa malungkot at miserableng mundo ng tao, at hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puspos ng kaligayahan, at lahat ng dako ay punung-puno ng init ng pagmamahal ng mga tao sa isa’t isa. Kumikilos Ako sa buong mundo, Nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking luklukan, at naninirahan Ako sa piling ng mga bituin. Inaalayan Ako ng mga anghel ng mga bagong awit at mga bagong sayaw. Hindi na nagiging sanhi ng pagtulo ng luha sa kanilang mukha ang sarili nilang kahinaan. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng mga anghel na umiiyak, at hindi na rin nagrereklamo ng paghihirap ang sinuman sa Akin.

mula sa “Kabanata 20” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag nagawa nang ganap ang lahat ng tao at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, iyon na ang panahon kung kailan dadagundong ang pitong kulog. Ang kasalukuyang panahon ay isang hakbang pasulong sa yugtong iyon; nailabas na ang utos tungo sa panahong iyon. Ito ang plano ng Diyos, at magkakatotoo ito sa malapit na hinaharap. Gayunman, naisakatuparan na ng Diyos ang lahat ng Kanyang nabigkas. Sa gayon, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lamang, na nanginginig habang papalapit ang pagtaas ng tubig: Napipinto na ang huling araw, at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Para matiyak na tagumpay na naisasagawa ang Kanyang plano, bumaba na ang mga anghel ng langit sa lupa, na ginagawa ang lahat upang palugurin ang Diyos. Nagpakalat na ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao sa larangan ng digmaan upang makidigma laban sa kaaway. Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon. Makikita ang patunay ng mabilis na pagbagsak ng malaking pulang dragon sa patuloy na paggulang ng mga tao; maliwanag itong makikita ng sinuman. Ang paggulang ng mga tao ay isang tanda ng pagpanaw ng kaaway. Isang munting paliwanag ito kung ano ang kahulugan ng “makipaglaban.”

mula sa “Kabanata 10” ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 7. Paano dapat unawain ng isang tao na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Sumunod: Tanong 1: Pinatototohanan mo na ang Diyos ay naging tao na bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, subalit pinaninindigan ng karamihan sa mga relihiyosong pastor at elder na babalik ang Panginoon na sakay ng mga ulap. Ibinabatay nila ito lalo na sa mga talata sa Biblia na: “Itong si Jesus … ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata” (Pahayag 1:7). At bukod pa riyan, itinuturo din sa atin ng mga pastor at elder ng relihiyon na sinumang Panginoong Jesus na hindi pumaparito na sakay ng mga ulap ay huwad at kailangang tanggihan. Kaya, hindi tayo nakatitiyak kung naaayon ba ang pananaw na ito sa Biblia o hindi; tama ba ang ganitong klaseng pagkaunawa o hindi?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger