Tanong 7: Pag di natin tinanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, magagawa ba talaga natin ang kalooban ng Ama sa langit? Makakapasok ba tayo talaga sa kaharian ng langit?

Sagot: Pag ang tinatanggap lang ng mga tao ay ang pagtubos ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, pero hindi nila tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Hindi sila makakalaya mula sa kasalanan, hindi nila magagawa ang kalooban ng Ama sa langit, at hindi sila makakapasok sa kaharian ng Diyos. Walang duda ’yan! Kasi noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang pagtubos. Dahil sa katayuan ng mga tao noon, binigyan lang sila ng Panginoong Jesus ng paraan para makapagsisi, at inutusan ang mga tao na unawain ang ilang panimulang katotohanan at mga paraan para maisabuhay ang mga ’yon. Halimbawa: inutusan Niya ang mga tao na aminin ang kanilang mga sala at magsisi at magpasan ng krus. Tinuruan Niya sila na magpakumbaba, magtitiis, magmahal, mag-ayuno, magpabinyag, atbp. Ito ang ilang napakalimitadong katotohanan na mauunawaan at matatamo ng mga tao noon. Hinding-hindi nagpahayag ang Panginoong Jesus ng mas malalalim na katotohanan na may kinalaman sa pagbabago ng disposisyon sa buhay, maligtas, malinis, magawang perpekto, atbp., dahil noon, wala sa katayuan ang mga tao para kayanin ang mga katotohanang ’yon. Kailangan nilang hintaying magbalik ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya sa tiwaling sangkatauhan ang lahat ng katotohanang kailangan para maligtas sila at maging perpekto ayon sa plano sa pamamahala ng Diyos na iligtas ang tiwaling sangkatauhan at mga pangangailangan nila. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Napakalinaw ng mga salita ng Panginoong Jesus. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi ibinigay ng Panginoong Jesus sa tiwaling mga tao ang lahat ng katotohanang kailangan para maligtas sila. Marami pang mas malalalim at matataas na katotohanan, ibig sabihin, maraming katotohanang hindi sinabi ang Panginoong Jesus sa sangkatauhan na magpapalaya sa mga tao mula sa kanilang tiwali at napakasamang disposisyon at gagawin silang banal, pati na ang mga katotohanang kailangan ng tao para masunod at makilala ang Diyos. Samakatuwid, sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang kailangan para iligtas ang sangkatauhan. Ginagamit Niya ang mga katotohanang ito para hatulan, kastiguhin, linisin, at gawing perpekto ang lahat ng tumatanggap sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, gagawing ganap ang mga taong ito at dadalhin sa kaharian ng Diyos. Ganyan matatapos ang plano sa pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Pag tatanggapin lang ng mga tao ang pagtubos ng Panginoong Jesus, pero hindi tatanggapin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinding-hindi nila matatamo ang mga katotohanan at mababago ang kanilang disposisyon. Hinding-hindi nila gagawin ang kalooban ng Diyos at talagang hindi sila magiging marapat na makapasok sa Kanyang kaharian.

Ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao ng mga huling araw; puno sila ng lason ni Satanas. Ang kanilang mga opinyon, prinsipyo ng kaligtasan, pananaw sa buhay, mga pagpapahalaga, atbp. ay laban sa katotohanan at sa Diyos. Lahat ng tao’y gustung-gusto ng kasamaan at nagiging kaaway ng Diyos. Pag hindi dumanas ang sangkatauhang puno ng tiwali at napakasamang disposisyon, ng paghatol at pagkastigo at pagsunog at paglilinis ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pa’no sila maghihimagsik kay Satanas at makakalaya sa impluwensya nito? Pa’no sila magpipitagan sa Diyos, iiwas sa kasamaan, at susunod sa kalooban ng Diyos? Nakikita natin na maraming tao ang matagal nang nananalig sa Panginoong Jesus, pero sa kabila ng masigasig nilang pagpapatotoo na si Jesus ang Tagapagligtas at matagal nilang pagsisikap, ang kabiguan nilang malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos at magpitagan sa Kanya ay dahilan pa rin para hatulan at tuligsain nila ang gawain ng Diyos at tanggihan at ayawan ang pagbalik Niya pag isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Muli pa nilang ipapako sa krus si Cristo pagbalik Niya sa mga huling araw. Sapat na ’to para ipakita na pag hindi tinanggap ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hinding-hindi malulutas ang pinagmumulan ng kasalanan at likas na kasamaan ng mga tao. Ipapahamak sila ng pagkalaban nila sa Diyos. Hindi ’yan maikakaila ninuman! Sa mga nananalig, ang mga tapat na tumatanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay magtatamo ng katotohanan bilang buhay, gagawin ang kalooban ng Ama sa langit, at makikilala ang Diyos at magiging kasundo Niya. Sila ang magiging karapat-dapat na makibahagi sa pangako ng Diyos at madala sa Kanyang kaharian.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan: Tanong 6: Sabi n’yo pag gusto ng mga tao na mapawalang-sala at malinis, kailangan nilang tanggapin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pa’no naman hinahatulan at nililinis ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw? Sa nakalipas na mga taon na nanalig ako sa Panginoon, akala ko maganda kung dumating ang oras na hindi na nagkakasala ang mga tao. Noon, akala ko, hindi na magiging masaklap ang buhay!

Sumunod: Tanong 8: Tungkol sa mga matagal nang nanalig sa Panginoong Jesus at buong buhay na nagsakripisyo para sa Kanya, kung hindi nila tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi talaga sila madadala sa kaharian ng langit?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito