571 Napakataksil ng Puso ng Tao
Katapatan ay pagbibigay ng puso niyo sa Diyos,
pagiging wagas sa lahat,
pagiging bukas sa Kanya sa lahat.
I
‘Wag subukang linlangin ang tao sa paligid mo.
‘Wag lang gumawa ng bagay
para paburan ng Diyos.
Katapatan ay dalisay sa salita’t gawa.
‘Wag subukang linlangin ang tao o Diyos.
Marami’ng mas nais na maparusahan sa impiyerno
kaysa sa magsalita’t kumilos nang tapat.
‘Di kataka-takang iba ang pakikitungo ng Diyos
sa mga taong ‘di tapat.
Gusto ng Diyos ang mga ganap na matapat.
Siya’y matapat at salita Niya’y mapagkakatiwalaan.
Gawa Niya’y walang mali;
‘wag Siyang kwestyunin.
Gusto ng Diyos ang mga ganap na matapat.
II
Alam ng Diyos na mahirap sa inyo’ng maging tapat.
Kayo’y sobrang matalino sa panghuhusga ng iba’t
mga lihim niyo’y niyayakap sa dibdib niyo.
Nagpapasimple ‘to sa gawain ng Diyos.
Ipapadala kayo ng Diyos sa sakuna.
Tapos kayo’y pirming maniniwala
sa mga salita Niya.
Magagawa Niyang sabihin niyo’ng mga ito,
“Naniniwala akong Diyos ay isang tapat na Diyos.”
Tapos kayo’y mananaghoy,
“Mapanlinlang ang puso ng tao!”
Mararamdaman pa rin ba’ng tagumpay?
Kayo’y mas lalong magiging
‘di ‘singlalim at malabo tulad ngayon!
III
Sa harap ng Diyos, ilan ay pormal at maayos,
sinusubukang maging maayos ang ugali,
ngunit ‘nilalantad ang mga pangil
sa presensiya ng Espiritu.
Mabibilang ba sila sa hanay ng mga tapat?
Gusto ng Diyos ang mga ganap na matapat.
Siya’y matapat at salita Niya’y mapagkakatiwalaan.
Gawa Niya’y walang mali;
‘wag Siyang kwestyunin.
Gusto ng Diyos ang mga ganap na matapat.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala