269 Hinahanap ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu
I
Taong nilisan tustos-buhay
mula sa Makapangyarihan
‘di alam ba’t umiiral,
ngunit takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring
ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa’t layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at matinding naghahangad
ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito’y ‘di pa matatanto
hanggang ngayon.
Gayunman, tao’y hangad pa rin ito, hangad ito.
II
Ang Makapangyarihan ay may awa
sa malubhang nagdurusa.
Kasabay nito, sawa na Siya sa walang malay,
dahil kailangan Niyang maghintay ng kay tagal
sa tugon mula sa tao, mula sa tao.
Nais Niyang hanapin espiritu mo’t puso.
Nais N’yang dalhan ka ng pagkain at tubig.
Nais N’yang gisingin ka.
Upang ikaw ay ‘di na uhaw, hindi na gutom.
At kapag ikaw ay pagod,
at kapag nararamdama’y kapanglawan,
kapanglawan nitong mundo,
huwag maguluhan, huwag umiyak.
Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay,
yayakapin iyong pagdating anumang oras.
III
S’ya’y nakabantay sa ‘yong tabi,
hinihintay kang bumalik.
Hinihintay ang biglang pagbalik ng alaala mo,
nalalaman na nagmula ka sa Diyos,
ang katotohanan na nagmula ka sa Diyos.
Minsan ka nang nawala sa landas,
o, nawawalan ng malay sa daan,
at ‘di nalalaman na may ama.
Lalo mong natatantong
Makapangyariha’y naro’ng nakabantay.
Naghihintay Siya, sa pagbabalik mo,
sa buong panahon, sa buong panahon.
IV
S’ya’y mapait na nananabik.
Naghihintay Siya,
naghihintay ng tugon na walang sagot.
Pagbabantay Niya’y ‘di matawaran
at ito’y para sa puso,
sa puso’t espiritu ng tao.
Pagbabantay na maaaring magpakailanman,
o maaaring ito’y nagwakas na.
Ngunit dapat mong malaman,
nasaan puso’t kaluluwa mo.
Oh… Nasaan?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat