570 Paano Isagawa ang Pagiging Isang Tapat na Tao
1 Kung gusto mo na magtiwala sa iyo ang iba, dapat munang ikaw ay maging tapat. Bilang isang tapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong totoong mukha; hindi mo dapat subukang magpanggap o ipakete ang iyong sarili para magmukhang maganda. Saka lamang magtitiwala ang mga tao sa iyo at ipapalagay na matapat ka. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at ang pang-unang kailangan, ng pagiging isang tapat na tao. Palagi kang nagpapanggap, palaging nagkukunwaring may kabanalan, pagkamarangal, kadakilaan, at mataas na moralidad. Hindi mo hinahayaang makita ng mga tao ang iyong katiwalian at iyong mga kakulangan. Inihaharap mo ang isang huwad na larawan sa mga tao kaya naniniwala sila na ikaw ay magaling, dakila, mapagsakripisyo, walang-pinapanigan, at di-makasarili. Ito ay panlilinlang.
2 Huwag magpanggap, at huwag itanghal ang sarili; sa halip, ilantad ang sarili mo at ang puso mo para makita ng iba. Kung mailalantad mo ang puso mo para makita ng iba, at mailalantad mo ang lahat ng iniisip mo at mga balak—kapwa positibo at negatibo—sa gayon ikaw ay nagiging tapat. Kung nailalantad mo ang iyong sarili para makita ng iba, kung gayon makikita ka rin ng Diyos, at magsasabing tiyak na tapat ka rin sa harap Niya. Kung inilalantad mo lamang ang sarili mo sa Diyos kapag hindi nakikita ng ibang tao, at palaging nagpapanggap na dakila at marangal o makatarungan at di-makasarili kapag kasama nila, kung gayon sasabihin ng Diyos, “Ikaw ay talagang mapanlinlang, ikaw ay totoong mapagpaimbabaw at hamak; at hindi ka isang tapat na tao.” Kokondenahin ka ng Diyos nang gayon. Kung nais mo na maging isang matapat na tao, kung gayon anuman ang iyong gawin sa harap ng Diyos o ng iba, dapat makaya mong magbukas ng iyong sarili at ilantad ang sarili mo.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat