572 Yaong mga Nagdududa at Naghahaka-haka Tungkol sa Diyos ay Masyadong Mapanlinlang
I
Nalulugod ang Diyos sa yaong
‘di mapaghinala sa iba at
handang tanggapin ang katotohanan.
Kinakalinga Niya sila nang labis;
sa mata Niya sila’y tapat.
Kung mapanlinlang ka, ika’y mapagbantay
at maghihinala sa tao at bagay.
Pananalig mo’y itatayo sa paghihinala.
Hindi Niya kailanman kikilalanin ganitong pananalig.
Walang tunay na pananalig,
mas salat ka sa tunay na pag-ibig.
Kung nagdududa ka at nagpapalagay sa Diyos,
ikaw ang pinakamapanlinlang na tao.
II
Tinatanong mo kung Siya’y magiging tulad ng tao,
makasalanan at makitid ang isip,
di makatwiran, ‘di makatarungan, tuso’t malupit,
nalulugod sa masama’t kadiliman.
‘Di ba’ng taong naniniwala dito’y
hindi kilala ang Diyos?
Kasalanan lamang ang pananalig na ‘to!
Kung nagdududa ka at nagpapalagay sa Diyos,
ikaw ang pinakamapanlinlang na tao.
III
Akala ng ilan na ang pambobola’y
nagpapalugod sa Diyos,
at yaong kulang sa kasanayang ‘to’y
‘di magugustuhan sa tahanan Niya.
Ito lang ba’ng kaalamang
nakamit niyo sa paglipas ng mga taon?
Higit pa sa maling pag-unawa,
Espiritu Niya’t ang Langit ay nilalapastangan niyo.
Kaya sabi Niyang pananalig niyo’y
magdudulot ng paglayo at
mas higit pang pagsalungat sa Kanya.
Kita niyo na’ng maraming
katotohanan sa gawain Niya.
Alam niyo ba ang narinig ng Diyos?
Ilan ang handang tumanggap ng katotohanan?
Kung nagdududa ka at nagpapalagay sa Diyos,
ikaw ang pinakamapanlinlang na tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa