238 Ang Paghatol ng Diyos ay Napakahalaga
1 Dahil sa paniniwala ko sa Diyos nang maraming taon, at nagawa kong mangaral ng maraming doktrinang pang-espirituwal, inakala kong naunawaan ko ang katotohanan at nagkamit ng realidad ng katotohanan. Dahil tila epektibo ako sa pagganap sa aking tungkulin, nagpakitang-gilas ako at pinasikat ang aking sarili. Nakatutok ako sa aking paghahanap ng katayuan at reputasyon, at madalas kong ikumpara ang aking sarili sa iba. Bagaman gumawa ako ng mga sakripisyo, at gumugol ng sarili, at gumawa at naghirap, ginawa ko ang lahat ng iyon upang mapagpala at makatanggap ng korona. Nilunok ko ang kahihiyan at pinasan ang mabigat na pasanin alang-alang sa aking sariling karangalan at katayuan, ngunit naniwala pa rin akong tapat ako sa Diyos. Sa labas, ako ay mababang-loob at matiyaga, subalit ako ay likas na mayabang at nag-aakalang mas matuwid ako kaysa iba. Ngayon, tanging sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ako nagising sa katotohanan na, sa kabila ng maraming taon ng paniniwala sa Diyos, nanatiling hindi nababago ang aking disposisyon, at ako ay pag-aari pa rin ni Satanas.
2 Nang malantad ng mga pagsubok, napagtanto ko kung gaano kalalim ang aking katiwalian: pinahalagahan ko ang katayuan at awtoridad, at tinularan si Pablo sa pagtahak sa landas ng pagsalungat sa Diyos, madalas na nagagalak sa paghanga at pagsang-ayon ng iba, palaging ninanais na maging isang lider na maaaring makapangdikta ng iba—napakayabang ko at walang isip. Tinusok ng mga salita ng Diyos ang aking satanikong kalikasan na gaya ng isang espadang dalawa ang talim: Kung palagi kong ninanais na humawak ng kapangyarihan ng isang hari at kumontrol ng iba, anong pinagkaiba ko kay Satanas? Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, banal, at hindi nalalabag ng sinumang tao. Yumuko ako, nanginginig sa takot, sa harap ng Diyos at kinumpisal ang aking mga kasalanan sa pagsisisi. Nilinis at niligtas ako ng paghatol ng Diyos. Natikman ko kung gaano katotoo ang pagmamahal ng Diyos.
3 Matapos lang akong makaranas ng paghatol ko naunawaan na walang mas makahulugan kaysa sa paniniwala sa Diyos at pagkakamit ng katotohanan. Hungkag ang katayuan at reputasyon, at aakayin lang nito ang tao sa higit pang pagkasira. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang sumuri sa aking masasamang hakbang; nakamit ko na ang liwanag at paghatol ng mga salita ng Diyos at namuhi ako sa lawak ng aking sariling katiwalian. Napahalagahan ko na wala nang mas malaking pagmamahal at proteksyon para sa akin kaysa sa paghatol ng Diyos. Nakita ko na kung gaano kahalaga ang katotohanan; kaya nitong linisin at perpektuhin ang tao, at kahit pa pagdusahan ko ang sukdulang sakit at pagpipino, susundin ko pa rin si Cristo hanggang sa katapusan. Gaano man katindi ang sakit—maging hanggang sa aking huling hininga—tutuparin ko pa rin ang aking tungkulin at magdadala ng kaluwalhatian sa Diyos. Tanging ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoo, at magpapasalamat ako at pupurihin ang Diyos magpakailanman.