438 ‘Pag Binuksan Mo’ng Puso Mo sa Diyos

‘Pag ang Diyos ay ‘di mo batid,

at likas Niya’y ‘di mo tanto,

puso mo’y hindi magbubukas nang tunay para sa Diyos.

‘Pag naintindihan mo na’ng iyong Diyos,

ang nasa puso Niya’y mauunawaan mo,

at ito’y daranasin mong lubusan

nang may buong pananampalataya.

‘Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos

nang unti-unti, sa bawat araw,

‘pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,

pagbubuksan Siya ng iyong puso.


‘Pag tunay na bukas ang ‘yong puso,

‘pag tunay na bukas ang ‘yong puso,

iyong makikita’ng suklam at

kahihiyang mapaglustay’t makasariling hiling.

‘Pag tunay na bukas ang ‘yong puso,

‘pag tunay na bukas ang ‘yong puso,

makikita sa puso Niya’y mundong walang-hanggan,

tungo sa kahariang walang katulad.

Sa kaharia’y walang pandaraya, walang panlilinlang,

walang kadiliman, at walang kasamaan.

Tanging kataimtiman at katapatan;

tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.


Siya’y pag-ibig, Siya’y mapag-aruga,

walang hanggang kahabagan.

Sa iyong buhay, saya’y nadarama,

kung buksan ang puso mo sa Diyos.

Sa dunong Niya’t lakas napupuspos ang kaharian,

maging ng awtoridad Niya’t pag-ibig.

Makikita mo kung anong mayroon at sino Siya,

kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,

ng hapis, ng lungkot at galit, nariyang makita ng lahat.

‘Pag binuksan ang puso mo sa Diyos

at anyayahan Siyang tumuloy.


Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Sinundan: 437 Ibaling Nang Lubusan ang Puso Mo sa Diyos Upang Magawa Mong Mahalin Siya

Sumunod: 439 Papasukin ang Diyos sa Puso Mo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito