799 Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos
I
Sa mga gawain ng Diyos,
sinumang tunay ang pagdanas
may galang at takot sa Kanya,
na mas mataas kaysa paghanga.
Kastigo’t paghatol N’ya
nagpapakita sa mga tao ng disposisyon N’ya,
sa mga puso nila’y iginagalang S’ya.
Diyos ay dapat sambahin at sundin,
dahil ang pagiging Siya’t disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang, higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pagpasakupan.
II
Ang dumanas sa gawa ng Diyos,
na may tunay na kaalaman sa Kanya,
lahat sila’y iginagalang S’ya.
Yaong may mga isipín laban sa Diyos,
di S’ya turing na Diyos, walang galang,
di nasakop, kahit sumusunod.
Sila ay likas na masuwayin.
Gawa ng Diyos kamtin ito:
Lahat ng nilalang igalang ang Lumikha.
Lahat sumamba sa Diyos
at buong-pusong pasakop sa dominyon N’ya.
III
Dahil ang pagiging Siya’t disposisyon Niya
kaiba sa mga nilalang, higit sa mga nilalang.
Diyos lang marapat sambahin at pagpasakupan.
Gawain N’ya’y kakamtin ‘to sa wakas.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao