237 Palagi Kong Iniisip Kung Gaano Kaibig-ibig ang Diyos

1 Diyos ko! Mapagpakumbaba Mong itinago ang Iyong sarili sa katawang-tao, pinagdurusahan ang pagkondena at paninirang-puri ng tao, at tinitiis ang lahat ng uri ng kahihiyan. Sa kabila nito, patuloy Mong ipinahahayag ang katotohanan upang iligtas ang sangkatauhan, ibinubuhos Mo ang dugo ng Iyong puso upang ibigay ang Iyong buong pagmamahal sa tao. Lahat ng Iyong salita ay ang katotohanan at ang buhay; nililinis at binabago kami ng mga ito sa araw-araw. Sa pagdanas ng Iyong mga salita, nakikita namin ang labis na pagmamahal Mo. Diyos ko! Palagi kong iniisip kung gaano Ka kaibig-ibig.

2 Sumailalim sa Iyong paghatol, nalasap ko na ngayon ang Iyong pagmamahal. Bawat salita ng Iyong paghatol ay parang isang matalim na espada na humihiwa sa aking kalikasan, iniiwan akong walang mapagtaguan; nakita ko na sa wakas na puspos ako ng mga satanikong disposisyon. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol, nakikita ko na Ikaw ay banal at matuwid. Ako’y labis na nagawang tiwali at hindi ako karapat-dapat na makita ang Iyong mukha. Nagpatirapa ako sa Iyong harapan, handang tanggapin ang Iyong paghatol. Diyos ko! Palagi kong iniisip kung gaano Ka kaibig-ibig.

3 Ang Iyong paghatol ang nagligtas sa akin; maaaring ikinukubli ng kalupitan ng Iyong mga salita ang Iyong masigasig na mga layunin, ngunit dahil kumakapit ako sa aking mga kuro-kuro, hindi ako nagpasakop kahit kaunti. Pinabayaan ko pang mawalan ako ng pag-asa, magkamali ng pag-unawa at magreklamo laban sa Iyo. Ang Iyong mga salita ang paulit-ulit na nakaaliw at nakahikayat sa akin, nagtutulot sa akin na makawala sa pagiging negatibo at sa kahinaan. Nakita ko na kung gaano kabuti at kaganda ang Iyong disposisyon. Diyos ko! Palagi kong iniisip kung gaano Ka kaibig-ibig.

4 Ginagabayan ako ng Iyong mga salita sa lahat ng paghihirap. Ang madakip ng mga demonyong iyon ay isang banta araw-araw; Ikaw ang tumutulong sa akin na punasan ang aking mga luha ng kalungkutan, ginagawang hindi na walang-katapusan ang mapapait na gabing ito. Laging kasama ang Iyong pagmamahal, mas tumitibay ang aking kumpiyansa. Sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino, ako ay namatay at muling isinilang; naunawaan ko na ngayon ang katotohanan at iwinaksi ang impluwensiya ni Satanas. Diyos ko! Palagi kong iniisip kung gaano Ka kaibig-ibig. Mamahalin Kita magpakailanman, at lalagi ako sa Iyong tabi.

Sinundan: 236 Sa Wakas ay Isinasabuhay Ko Na ang Wangis ng isang Tao

Sumunod: 238 Ang Paghatol ng Diyos ay Napakahalaga

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito