239 Ang Diyos ang Nagligtas sa Akin

1 Sa Iyong pagkakatawang-tao, dumaan Ka sa napakaraming paghihirap. Mapagpakumbaba Ka at tago sa sangkatauhan; walang sinuman ang nakakakilala sa Iyo. Hinahatulan Mo at inilalantad ang malalim na katiwalian ng sangkatauhan; kinakastigo Mo ang hindi ko pagiging matuwid at ang aking paghihimagsik. Sumailalim man ako sa ganoong pagdurusa at pagpipino, nalinis naman ako mula sa aking tiwaling disposisyon. Dati akong mapagmataas at puno ng pagmamatuwid sa sarili, at lubhang makasarili at kasuklam-suklam na sinubukan kong makakuha ng kapalit sa mga pakikipag-ugnayan ko sa Iyo; palagi kong ginugustong makamit ang mga pagpapala ng kaharian ng langit kapalit ng aking mga pagsisikap at pagdurusa. Anong uri ng konsiyensiya o katwiran iyon? Inisip ko na sa pamamagitan ng kaunting mabuting pag-uugali, magiging kaayon ako sa Iyong kalooban, at pinangarap ko pa ngang makapasok sa kaharian ng langit. Labis na naging tiwali, puno ako ng mga satanikong disposisyon. Kung hindi ko tinanggap ang Iyong paghatol, ano ang kahihinatnan ko?

2 Nalinis ako ng Iyong paghatol; nabago ako ng Iyong gawain at nabigyan ako ng tunay na buhay. Paanong hindi ako magpapasalamat sa Iyo mula sa kaibuturan ng aking puso? Nakita ko na ang Iyong mga kaibig-ibig na katangian kahit na kailangan ko pang malinis sa aking labis na paghihimagsik at hindi pagiging matuwid. Hindi kita iiwan kailanman kahit gaano man kalaki ang mga pagsubok na maaari kong harapin. Noon, ginawa ko ang lahat para sa aking sarili, at hindi kita kailanman inibig. Sinaktan kita at nagdulot ng kapighatian sa Iyo. Sinong nakakaalam kung gaano na karaming luha ang iniyak Mo? Habang iniisip ang Iyong pag-ibig para sa akin, lalo kong kinasusuklaman ang tiwaling disposisyon kong ito. Ninanais kong hanapin ang katotohanan upang aliwin Ka! Ikaw ang nagligtas sa akin; kung wala ang Iyong paghatol, wala ako ngayon dito. Nagbilad ako sa Iyong kamangha-manghang biyaya; tunay na ito ay sa pamamagitan ng Iyong pag-ibig at habag. O Diyos, Ikaw ang nagligtas sa akin. Habang nakikitang matuwid ang Iyong disposisyon, iniibig kita mula sa kaibuturan ng aking puso. O Diyos, Ikaw ang nagligtas sa akin. Palagi akong magpapasalamat at magpupuri para sa Iyong pag-ibig!

Sinundan: 238 Ang Paghatol ng Diyos ay Napakahalaga

Sumunod: 240 Pag-ibig ng Diyos ang Nagligtas sa Akin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito