980 Gaano Kalaki ang Pagkukulang Ninyo sa mga Hinihingi ng Diyos?
I
Anuman ang isipin niyo,
mga salita’t gawa ng Diyos
ay upang kayo’y tulungang
maintindihan ang mga layunin Niya’t
maunawaan pa ang iniisip Niya,
ang nais Niyang matamo,
uri ng taong tatanggihan Niya,
taong gusto’t nais Niyang makamit,
at ano ang kinamumuhian Niya.
Ang mga ito’y para bigyang linaw
at tulungan kayong unawain
kung ga’no napalayo ang kaisipan at kilos
ninyo mula sa pamantayan ng Diyos.
II
Matagal na kayong may pananalig,
narinig na pangaral,
ngunit ang mga ito ang mismong kulang niyo.
Naitala na ang bawat katotohanan
sa kuwaderno niyo,
may mga naiukit na bagay sa mga puso niyo
na sa tingin niyo’y mahalaga, at planong gamitin
upang palugurin ang Diyos sa pagsasagawa niyo.
Plano niyong gamitin ang mga ito
‘pag kayo’y nangangailangan,
upang malampasan niyo ang hirap,
o hayaan lang ang mga katotohanang ito
na sumainyo habang nabubuhay.
III
Kung ginagawa niyo lang ‘to,
anuman ang paraan,
‘di ito ga’nong mahalaga, kung gayon ano?
Ito’y habang nagsasagawa,
dapat malaman nang malalim,
na may lubos na katiyakan,
kung ang lahat ng ginagawa mo—
ang bawat isa sa ‘yong gawa—
ay umaayon sa gusto ng Diyos.
Alamin kung ang gawai’t isipan mo,
kung ang layunin mong minimithi
ay tutuparin ang kalooban ng Diyos
at magsisilbi sa mga hinihingi Niya,
at kung sumasang-ayon Siya.
Ang mga ito lang ang mahalaga.
Ang mga ito lang ang mahalaga.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain