981 Inaasam ng Diyos na Matamo ng mga Tao ang Landas ng Liwanag

I

Nabigyan na kayo ng Diyos ng maraming babala,

at nabigyan ng maraming katotohanan

upang lupigin kayo.

Sa ngayon, mayroon na kayong sentido kumon

at prinsipyo ng tao,

mas pinagyaman kaysa noong nakaraan.


Inani n’yo ‘to sa loob ng maraming taon,

‘di ikinakaila ng Diyos ang mga nakamit n’yo.

Ngunit alam din Niya

ang inyong pagkakanulo’t paghihimagsik,

dahil walang banal ni isa man sa inyo.

Walang duda na kayo ay

kalaban ni Cristo, ginawang tiwali ni Satanas.


Inaasam ng Diyos na kayo’y madala

sa landas ng liwanag,

na mapangalagaan ninyo ang inyong mga sarili.

Huwag ninyong labis na isipin

ang magiging destinasyon

habang nagsasawalang bahala sa

inyong mga ugali’t paglabag.


II

Alang-alang sa inyong

hantungan at kinabukasan,

uulitin ng Diyos ang Kanyang mga salita.

Umaasa Siyang maiintindihan ninyo Siya’t

paniniwalaan ang Kanyang mga salita,

malaman ang malalim na kahulugan ng mga ito.


Walang sinuman sa inyong hinaharap

ang magsasabi sa inyo

kung ano’ng sinasabi ng Diyos sa inyo,

nangungusap sa inyo nang napakabait,

o ginagabayan kayo nang napakatiyaga.

Gugugulin ninyo ang hinaharap sa paghihinagpis,

o pag-alaala sa masasayang panahon,

sa dilim na walang anumang katotohanan,

naghihintay sa kawalan.


Maaari kayong manahan

sa pagsisisi’t mawala sa katinuan.

Wala sa inyo’ng makatatakas

sa mga kalalabasang ‘to.


Inaasam ng Diyos na kayo’y madala

sa landas ng liwanag,

na mapangalagaan ninyo ang inyong mga sarili.

Huwag ninyong labis na isipin

ang magiging destinasyon

habang nagsasawalang bahala sa

inyong mga ugali’t paglabag.


III

Wala ni isa man sa inyo

ang tunay na sumasamba sa Diyos,

bagkus inilulubog mga sarili sa kasamaan,

inihahalo sa inyong mga paniniwala,

sa inyong mga espiritu,

mga kaluluwa’t mga katawan

ang napakaraming bagay na walang kinalaman

sa buhay at katotohanan

kundi talagang sumasalungat sa mga bagay na ito.


Inaasam ng Diyos na kayo’y madala

sa landas ng liwanag,

na mapangalagaan ninyo ang inyong mga sarili.

Huwag ninyong labis na isipin

ang magiging destinasyon

habang nagsasawalang bahala sa

inyong mga ugali’t paglabag.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno

Sinundan: 980 Gaano Kalaki ang Pagkukulang Ninyo sa mga Hinihingi ng Diyos?

Sumunod: 982 Ang mga Bunga ng mga Paglabag ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito