979 Ang Iniisip ng Diyos sa mga Gawa ng Tao
1 Umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang mga kilos at mga gawa ninyo ay hindi itinuring na lubos na naaangkop, dahil hungkag ang pananampalataya at pagmamahal ninyo, at ipinakita lamang ninyo ang mga sarili ninyo na mahiyain o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama.
2 Ang pag-aalala Ko ay patuloy na ang paraan kung paanong ang bawat isa sa inyo ay kumikilos at nagpapahayag ng sarili niya, na siyang batayan kung saan tutukuyin Ko ang wakas ninyo. Gayunman, dapat Ko itong gawing malinaw: Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging mahabagin, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan. Dapat Ko itong sabihin sa inyo: Sinumang babasag sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng habag mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at ang sinumang naging matapat sa Akin ay magpakailanmang mananatili sa puso Ko.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan